CHAPTER THIRTY-SEVEN

1.2K 45 8
                                    

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Nakagawian ko nang mag-antabay sa tapat ng simbahan sa pagbabakasakali na magsimbang muli ang aking si Francesco. Tanggap ko nang mayroon na siyang iba. Katunayan. napamahal na nga sa akin ang bulinggit na sa hindi maipaliwanag na dahilan ay siyang katangi-tanging nilalang na nakakakita sa akin.

"Teka...hindi ba nakita na kita rito noon?"

Napatingala ako sa nagsalita. Isang napakagandang babae. Nakasuot siya ng hanggang sakong na kulay ubeng palda na hapit sa bandang balakang at maluwag naman sa bandang kalagitnaan ng hita pababa. Ang pang-itaas naman niya ay isang puting long sleeve blouse na hapit din sa katawan. May nakalawit na gintong kuwintas sa bandang itaas ng kanyang dibdib.

Hindi ko maintindihan kung bakit, pero pakiramdam ko rin ay nakita ko na siya noon. Ang pinagtataka ko lang, bakit hindi ko siya naaalala? Ang isang kasingganda niya ay mahirap makalimutan. Saka matagal na akong tumatambay sa simbahan sa Brecia at Apulla, pero mabibilang lamang sa daliri ng isang kamay ang mga taong nakakakita sa akin. At lahat ng mga iyon ay bata.

Napatayo ako para magka-level ang aming paningin. Nang magtama ang aming mga mata, nanlaki ang kanya at napatakip siya sa bunganga na tila may biglang naalala.

"Aurora!" sambit nito.

Lalo akong namangha.

"Kilala mo ako?"

"Ako ito. Si Concetta!"

Nagulat ako. Siya iyong bulinggit na nakita ko rin noon dito sa tapat ng simabahan ng Santa Maria delle Grazie. Ganoon na ba kahaba ang pinaghihintay ko sa pagbabalik ni Francesco?

"Concetta," nasambit ko na lamang.

**********

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Grabe ang dagundong ng puso ko nang dahan-dahang lumuhod si Alessio at binuksan ang lagayan ng singsing. Napakurap-kurap pa ako ng ilang beses para masigurong hindi ako nagde-deliryo lang. Nang bahagyang tapikin ni Manang Cora ang kamay kong nakapatong sa mesa, no'n lang ako tila nahimasmasan. Nagpo-propose si Alessio sa akin!

Nanuyo ang lalamunan ko at bigla akong nautal. Pero hindi maitatago sa mukha ko ang labis-labis na kagalakan. Naiyak ako bago ako napatango. Narinig ko ang pagtawa ni Alessio bago niya isinuot sa palasingsingan ko ang kumikinang na diamond ring. He hugged and kissed me soon after.

"Ang saya ko para sa iyo, anak," halos ay pabulong lamang na sabi sa akin ng aking ina. Pasimple namang nagpahid ng mata ang pinsan kong si Jasmin. Nagbiro pa ito na kaya raw siguro ako nagpula ay dahil may paandar kami.

Hindi ko alam kung paano natapos ang gabing iyon dahil tila naging mabilis na sa akin ang mga pangyayari. Na-touch ang mother ko nang imungkahi mismo ni Alessio na papayagan niya akong mag-bonding sa kanila habang nandito sila sa Italya. Maaari raw silang tumuloy sa amin sa Brecia total naman daw ay may maraming silid sa mansion.

"Ang swerte mo talaga, Eli," anas sa akin ni Jasmin. "Mukhang mapagmahal itong napangasawa mo. Kung ibang lalaki lang ito, hindi na siguro ito mag-aabala pang isasama kami rito ni Tiyang."

"Sus, nag-drama pa," natatawang biro sa kanya ni Manang Cora.

Napatingin sa amin si Alessio na parang nalilito. Mabilis namang nagpaliwanag sa kanya si Manang Cora bago pa man ako makasagot. Buti na lang dahil sa estado ko ngayon nahihirapan na akong mag-isip in Italian.

**********

ALESSIO CONTI

Isang linggo matapos ang uneventful wedding proposal ko kay Eliza, isinagawa ang simpleng kasalan sa hardin ng aming mansion. Pili lang din ang bisitang nandoon. Mga top executives ng kompanya, sina Mama at Concetta, ang ina't pinsan ni Eliza, at ang kanyang kaibigang si Cora. Oo, umuwing muli ng Brecia ang mama ko't kapatid.

KNIGHT IN SHINING CADILLAC [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon