CHAPTER THIRTY-FOUR

886 43 8
                                    

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Ayaw ko na sanang bumalik sa simbahan dahil mapalapit lang ako sa bukana nito'y para na akong sinasakal. Kaso nga lang, doon ko lamang nasisilayan kahit sa malayo ang aking pinakamamahal. Inakala ko dati na basta na lang niya ako kinalimutan. Hindi pala. Sa tuwing may pagkakataon ay nakikita ko siyang pabalik-balik sa mga lugar na dati naming pinupuntahan.

"Nandito ka na naman?"

Napalingon ako sa bulinggit na nagsalita sa likuran ko. Si Conchita!

"Conchita? Ano ang ginagawa mo rito?"

Sinimangutan niya ako sabay halukipkip. Ang talim ng tingin niya na parang naiinis. Wala naman akong ginawang masama sa kanya, ah.

"Concetta!"

"Ha?"

"Lagi mong binu-butcher ang pangalan ko!"

Tinalikuran niya ako at dali-dali nang lumayo. Hinabol ko siya. Dinaklot ko ang kanyang braso, pero imbes na mahawakan ito'y tumagos lang ang kamay ko. Natigil sa paglalakad ang bata. Napalingon siya sa akin at nagusot na naman ang mukha nito.

"O, ano na naman ang kasalanan ko?"

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Bakit ang lamig ng kamay mo?" tanong pa niya. Tapos nanlaki ang mga mata nito na para bagang may na-realize. Sumigaw ito pagkatapos at tumakbo. "Mama! Papa!" sigaw pa nito.

Hindi ko na siya hinabol pa. Pinagmasdan ko na lamang ito habang payakap na sumalubong sa ama na halatang kanina pa hilung-hilo sa paghahanap sa kanya. May kung anong humaplos sa puso ko nang binuhat ni Francesco ang bata at kinarga. Bago ko pa mamalayan, tila naluha ang aking mga mata. Akma ko sanang papahiran ang pisngi pero wala naman akong nakapang luha.

Napabuga ako ng hangin.

**********

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Nagulat din ako sa reaction ni Guacomo Greco. Saglit na nawala sa isipan ko kung sino siya. Ang nakita ko lang noong una ay ang helpless at vulnerable father ni Signore Vitale. Ang huli nama'y tila nalito sa nakikitang takot sa ama. Lumingon siya sa amin ni Alessio.

"Are you guys threatening my father?" tanong pa. May pagbabanta ang tinig.

"Do we look like we do?" ganting tanong ni Alessio. He held my hand as if trying to protect me.

"Au---Au---Aurora!" At napasinghap ang matanda.

No'n ko nabatid kung bakit siya naghi-hysterical. May naisip akong ideya, pero bago ko pa maisagawa ang plano ay pinaningkitan na ako ng mga mata ni Signore Vitale. He then tried to comfort his dad.

"Matagal nang patay si Aurora, Papa. Wala rito si Aurora. Hindi iyan si Aurora. At hindi rin iyan anak ni Aurora. Relax."

Imbes na ma-relax ang matanda, lalo lamang itong naging balisa at hysterical. Hindi ito napigilan ni Signore Vitale nang bigla na lamang itong lumuhod sa harapan ko. Dinikit niya pa ang noo sa sahig sa harapan ng aking mga paa.

"Pata---patawarin mo ako, Aurora! H---hindi k-ko gi-ginusto! Mi---minahal lang kita nang---nang husto! At labis-labis l-lang akong n-nanibugho kay Lo-Lorenzo! P-patawad! P-patawad!"

"Papa! Tumayo kayo! Papa!" At pilit na itinayo ni Signore Vitale ang ama, pero patuloy ito sa paghalik sa sahig na nasa harapan ko.

Nahabag ako sa kanya. Yuyuko na sana ako para tapikin ang kanyang balikat nang bigla akong napaliyad dahil parang may nang-untog sa akin. Ang sunod ko nang nakita ay ang isang lalaking ngumingisi habang nakatanghod sa akin. Ang ngisi niya ay naging tawa.

KNIGHT IN SHINING CADILLAC [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon