CHAPTER FIVE

1.5K 70 10
                                    

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Ang ganda ng sasakyan. Iyon agad ang una kong napansin. Ang kulay yellow, red, black, blue, silver at white sa kanyang logo ay tila nakahahalina. Tingin ko nakita ko na iyon noon. Hindi ko lang matandaan kung saan.

Hindi ko napigilan ang sarili. Hinipo ko ang kumikinang nitong katawan. Biglang bumaba ang bintana at tumingin sa akin ang isang napakaguwapong nilalang! Subalit bigla ring naging blurry ang mukha nito. At sa kung ano pa mang dahilan, biglang lumabo ang hitsura niya sa isipan ko. Hindi ko rin maalala! Ang tanging alam ko'y wala siyang kasing pogi!

"Si?"

Napaatras ako. I murmured something in Italian, too. Parang humingi ako ng dispensa bago dali-daling lumayo.

Papaliko na ako sa isang eskinita nang may marinig akong pamilyar na pagtawa.

"Konting-konti na lang! Ganito na lang, o! Naka-first base na sana ako sa bwisit na babaeng iyon kaso may umepal! 'Tang-ina, oo!"

Natigil ako sa paglalakad nang maintindihan ang sinabi ng lalaki sa Italian.

Inulan pa ito ng kantiyaw ng mga kasamahan. Hindi ko na narinig ang eksakto nilang panunukso, ngunit tila echo na umalingawngaw ang pangalan nito nang sinambit ng isang kahuntahan. ENRIQUE! Sila nga! Sila ang nais sanang humalay sa akin noong isang araw.

Nagpalinga-linga ako. Naghanap ng matatakbuhan kung sakali. Hindi ako pwedeng dumaan sa eskinita namin. Delikado!

"Hulog ng langit, pare! Hindi ba't iyon ang love-love mo?" At humalakhak na parang timang ang mama. Tila may kasama pa iyong pagtulo ng laway.

Nakita nila ako!

Hindi ko na hinintay pang sumagot ang Enrique. Tumakbo na ako palayo. Then, I heard a screeching sound of a car. Ang itim na Cadillac!

"Sakay na!"

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Pumasok ako sa loob ng sasakyan. Kaso nga lang, bago isara ng estranghero ang pintuan, naabutan ako ni Enrique. Hinablot niya ang palda ko. Buti na lang ay nahila na ako ng aking tagapagligtas papasok sa sasakyan niya kung kaya hindi ako natangay ng hudas na Enrique. Subalit wala na akong saplot sa pang-ibabang bahagi ng katawan kundi ang undies ko na lamang.

"Ang palda ko! Para! Para! Nahablot ang palda ko!"

Hinubad ng lalaki ang kanyang suit jacket at binigay sa akin.

**********

"Eliza! Ano ba! Hoy!"

May lumagapak na kamay sa pisngi ko. Paggising ko'y nakita ko si Manang Cora. Nakatirik na ang mga mata nito.

"Binangungot ka na naman?" She seemed bored. Napahikab pa ito.

"Ano'ng oras na, Manang?" May ngarag pa sa tinig ko.

"Mag-aalas tres pa lang ng umaga. Isang oras pa sana ang pwede kong itulog. Nambulahaw ka na naman. Pambihira ka talaga, oo. Ano na naman ba ang pinanaginipan mo? Iyong Enrique na naman ba? Baka si Enrique Iglesias iyan?" At napangisi ito.

Dahan-dahan akong napabangon at napaupo sa matigas na higaan.

"Siya nga uli."

"O, kitam! Sabi ko na nga ba, eh! Si Enrique Iglesias na nga iyan!"

Sinimangutan ko siya. "Hindi ho kayo nakakatuwa, Manang Cora."

Tinapik niya ng bahagya ang balikat ko. "Ikaw naman. Hindi ka na mabiro. Alam mo, dapat ay nagpapatingin ka na sa psychologist niyan. Kasi may ibig sabihin iyang paulit-ulit mong bangungot. Baka kayo nga talaga ng Enrique na iyon ang nakatakda! O, h'wag mapikon!"

KNIGHT IN SHINING CADILLAC [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon