CHAPTER FOURTEEN

768 41 4
                                    

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Hindi ko sukat-akalain na sa kabila ng lahat, hindi pa rin ako pinaniniwalaan ng mga magulang ko. Mas matimbang pa rin sa kanila ang sasabihin ng marchese. Ang kabutihan na lang ngayon, hindi na nila ipinilit pa ang kagustuhan nilang ipataboy ang masasamang espiritu na lumukob daw sa akin. At least, hindi ko na nakita pang muli si Padre Faustino.

"Masaya ako, anak, at dahan-dahan nang bumabalik ang iyong sigla," saad ng aking ina nang magpaalam ako sa kanya na aalis ng bahay ng hapong iyon. Si Papa naman ay ni hindi tuminag mula sa pagbabasa ng dyaryo. Nagkunwari pa itong walang narinig.

"Pietro, 'kako'y papayagan natin ang ating anak na lumabas ng bahay."

Tango ang sagot ni Papa. Wala pa rin itong imik.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, kaagad akong lumabas ng bahay nang makalanghap man lang ng sariwang hangin. Siniguro kong hindi ako lumalayo sa mga naglalakad din sa kalye. Doble ang pag-iingat ko ngayon. Mahirap na.

Iisa lamang ang pakay ko sa paglabas. Nais kong makitang muli ang lalaking laging sumasagip sa akin noon. Naiintriga ako kung sino siya. Marahil isa siyang kagalang-galang na ginoo. At marahil ay matutulungan niya akong pagbayarin ang mga walanghiya o di kaya makatakas sa amin.

Bumalik ako sa lugar kung saan ko siya unang nakita, pero bigla rin akong natakot nang mapansin kong halos ay wala na akong kasabayang naglalakad sa daan. Bigla akong kinabahan nang may masulyapan akong isang pamilyar na bulto. Ang walanghiyang anak ng marchese ang una kong naisip. Kinapkap ko agad ang Swiss knife sa bulsa ng palda ko. Humigpit ang hawak ko roon nang makitang lumalapit ang lalaki. Dahil halos natatakpan ng sombrero ang kanyang mukha, hindi ko agad siya nakilala. Akmang huhugutin ko na ang Swiss knife nang bigla niyang tinanggal ang sombrero at binati ako.

Ang lalaking sakay ng Cadillac! Siya nga! May malaki pala siyang pilat sa mukha. Gayunman, ang pogi niya. Hindi ko sukat akalain na darating ang araw na maglalaway ako sa isang ginoo.

"Kumusta, binibini?"

**********

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Nagising akong ang sarap ng pakiramdam. Para bagang nakita ko ang crush ko at nginitian niya ako nang matamis. Napahawak pa ako sa lower lip at napangiti nang wala sa sarili.

"You must have dreamt nicely for you to smile that way," anang baritonong boses.

Napaupo ako nang matuwid. At dahil bigla na lang naalog ang kinauupuan ko, bumalik sa kasalukuyan ang aking diwa. No'n ko naalalang nasa loob pa rin pala ako ng limo kasama si Alessio. Ngayon nga ay nakatitig siya sa akin nang parang naiintriga.

"Napanaginipan ko ang aking mga magulang," sabi ko sa kanya sa mabagal na Italian.

Kumunot ang kanyang noo at ngumisi siya agad. "Siyanga ba?" tanong pa nito. Hindi naniniwala.

Sa totoo namang iyon ang panaginip ko. This time ay klaro kong naalala. Nagpapaalam ako sa aking mga magulang para lumabas ng bahay. Iyon ang mga sinabi ko sa kanya. Siyempre, hindi ko na isinali sa kuwento ang aking tagapagtanggol.

Hindi na siya sumagot pa. But based on the expression on his face, alam kong hindi niya ako pinaniwalaan. Wala naman sigurong nananaginip sa mga magulang tapos ang mukha ay parang lovestruck teenager.

"Ang pinagtataka ko lang ay Pietro ang tawag ng mama ko sa papa ko. Hindi naman Pietro ang pangalan ni Papa. Bakit gano'n?"

Napadilat na naman si Alessio at napatingin sa akin.

KNIGHT IN SHINING CADILLAC [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon