CHAPTER THIRTY

865 40 7
                                    

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Tila mayroon akong hinahanap. Hindi ko matukoy kung ano, pero sigurado ako sa nararamdaman ko. Napapagod na ang aking mga paa. Gusto ko nang magpahinga ngunit may pakiramdam ako na hindi ako hihintayin ng kung ano man ang aking hinahanap.

Matapos ang hindi mabilang na mga oras, napadpad ako sa harap ng isang simbahan. Napatingala ako sa pinakatuktok nito. May nakita akong bilog na hugis na parang isang orasan sa ibabaw lang ng pintuan. Matagal kong tinitigan iyon bago naisipang lumapit.

May mga tao na ring nagsidatingan. Nakisabay ako sa kanila sa pagpasok sa loob. Sinalubong ako ng isang malamig na malamig na hangin. Napasinghap ako at napatingin sa mga kasabayan kong tao. Hindi nila napansin!

Dinala ako ng aking mga paa sa harapan ng imahe ng Ina ng Laging Saklolo. Pagharap ko sa Birheng Maria, parang dinaklot ng kung ano ang puso ko. Bigla akong napaluhod at nanangis. Napalahaw akong tila sanggol na sobrang helpless. Nang ma-realize kong nasa loob ako ng simbahan, napatayo ako at kaagad na nagpahid ng mga luha. Hihingi na sana ako ng dispensa sa lahat ng nabulahaw ko, ngunit ako'y nagulat. Wala ni isa man sa kanila ang nakatingin man lang sa akin. Parang hindi nila ako narinig. No'n ko naalala na hindi na pala pareho ang dimensyon na aming ginagalawan. Lalo akong napaiyak.

**********

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Napabangon ako bigla sabay singhap. Naaninag ko agad ang pamilyar na olive green wall sa paligid pati na ang antigong wall clock na paharap sa kama. No'n ko napagtanto na nanaginip lang ako. Pakiramdam ko kasi'y parang totoo.

Humiga akong muli para matulog nang bigla na naman akong napabangon. May nahigaan akong tao! Nilagay ko sa full bright ang lamp shade na nasa bedside table at ganoon na lamang ang gulat ko nang makita roon ang himbing na himbing na si Alessio. Dahil nakalilis hanggang baywang niya ang kumot, kitang-kita ko ang makinis niyang dibdib. Paanong----?

Nag-init agad ang mukha ko nang maalala ang kaganapan early that night. Matapos naming mag-dinner sa eksklusibong restaurant na pinasara pa niya para lang sa aming dalawa, sabay kaming pumanhik sa aming silid at naghalikan.

Lalong nag-init ang mukha ko sa pagkapahiya nang maalala kung gaano ako ka agresibo kanina. My gosh! Ako pa yata ang unang nangapa sa kanyang harapan bago niya gawin din iyon sa akin. At least, he was tipsy. Ano ang excuse ko gayong ni isang patak na vino ay hindi ako tumikim?

"Eliza? What's wrong?" inaantok niyang tanong. He squinted gawa ng napakaliwanag na ilaw galing sa lampshade. Kaagad ko nga itong hininaan.

Hinigpitan ko ang hawak sa kumot at sinigurado kong wala siyang nakikita liban sa walang saplot kong mga balikat.

"You had a bad dream again?" masuyo niyang tanong. Nakapatong na ang isa niyang braso sa noo.

My heart skipped a beat. Kahit sa simpleng gesture na iyon, ang lakas ng dating sa akin. Tila bagang tinutukso na naman ako. Ang gwapo-gwapo niya tingnan! My gosh! At ang mga mata niya! Tila matutunaw ako sa mga titig niya. Hindi ko tuloy matingnan nang deretsahan ang makinis niyang dibdib.

"Yeah," sagot ko sa mahinang tinig.

"Come. Sleep here." At inunat niya ang braso. Doon daw ako mahiga. Lalong naging eratiko ang tibok ng puso ko.

Salbaheng lalaki ito, ah. Sige, tuksuhin mo pa ako at nang hindi kita patutulugin.

Pinilig-pilig ko ang ulo para mawala ang bastos kong iniisip.

Nag-atubili ako sa alok niya. Hindi ko kasi alam kung okay pa bang magpa-Maria Clara effect gayong nakuha na niya ang lahat-lahat sa akin o di kaya'y gawin ko kung ano ang dikta ng damdamin. My heart says grab the chance now kasi walang assurance na makakapiling ko siya forever. Baka nga bukas o sa makalawa ay maghihiwalay na kami dahil malapit nang matapos ang kaso tungkol sa tunay na dahilan ng pagkawala ni Aurora Sanapo. Ngunit matigas ang utak ko. Gusto nitong lumayo ako kay Alessio. Wala raw maidudulot na maganda ang pakikipag-close ko sa taong ito.

KNIGHT IN SHINING CADILLAC [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon