CHAPTER THIRTY-FIVE

1K 43 3
                                    

Eliza Rosario Jardeleza

Hindi ko na matandaan kung ilang araw, buwan, o taon ko nang pinagmamasdan ang lalaking tanging nagpatibok ng puso ko. At sa bawat segundo, minuto, at oras ng pagtanaw ko sa kanya at sa kanyang kabiyak, para ring sinasaksak ang dibdib ko. Wala man akong kakahayang lumuha na, nananangis pa rin ang diwa ko.

"Sabi ng mama ko, h'wag akong makipag-usap sa hindi ko kakilala, lalung-lalo na sa tulad mong---sa tulad mong---m-multo! Pero hindi ako takot sa iyo!"

Napalingon ako sa nagsalita. Ang bulinggit na naman! Ano na naman kaya ang kailangan nito?

Nakahalukipkip siya ngayon sa akin at tila bagang isang matanda na kung makaasta at makatingin. Parang gusto pa akong pangaralan.

"Ang sabi ko, hindi ako takot sa iyo!"

"Alam ko." At lumayo na ako sa kanya.

Hinabol niya ako. Hindi ako lumingon.

"Saglit lang! Ano ang pangalan mo?"

Napatigil ako sa paghakbang at nilingon ko siya.

"Bakit? Ano ang saysay kung malaman mo ang pangalan ko?"

"Ipapanalangin kita."

Natigilan ako. Naantig ang aking damdamin. Wala pang ninuman ang gumawa n'yon sa akin. Alam ko dahil no'ng balikan ko ang amin at obserbahan ang pinaggagawa nila Mama at Papa, napansin ko agad na saglit lang akong pinagluksa. Ni hindi ko alam kong inagdasal ako.

Matagal ko siyang tinitigan para alamin kung seryoso siya o niloloko lang ako.

"Pangako." Nagtaas pa siya ng kanang kamay na animo'y nanunumpa. "Ipapanalangin kita. Lagi kaming nagsisimba nila Mama at Papa. Ipagpe-pray kita kay Papa Jesus. Pangako ko iyan sa iyo. Mukha ka namang mabait kahit ang weird ng hitsura mo."

Weird ang tawag niya sa akin dahil punit-punit ang trahe ko at may mga tilamsik pa ito ng dugo. Ang mga mata ko'y nanlalalim daw saka walang kaayusan ang aking buhok. Gayunman, hindi ito takot sa akin. Nakakapagtaka nga.

"O, ano? Sasabihin mo ba sa akin o hindi?"

"A-Aurora. Aurora Sanapo."

**********

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

A huge part of me says avoid Concetta. Pero narito ako ngayon sa harapan ng kanyang silid na ilang pinto lang ang layo sa silid ko. She wanted to talk to me kaya pinagbigyan ko siya.

I cleared my throat. I felt uncomfortable at the way she was scrutinizing my face.

"Perche? (Bakit?)" Napahawak pa tuloy ako sa mukha dahil baka may kumalat na pasta o sauce nito sa bibig ko at iba pang parte ng mukha. Katatapos lang kasi naming mag-dinner at hindi pa ako nakapag-tootbrush. Saka kakaiba ang tingin niya sa akin. Parang may something.

"You remind me of someone I've seen before," walang kagatul-gatol nitong sabi. "I had that feeling already when I first saw you but I tried to shrug it off because it's just --- impossible. But I feel like --- just like what my papa felt with you before, I feel like I have met you already before."

May kung anong nakanti sa puso ko sa mga sinabi niyang iyon. Magaan na rin noon pa man ang loob ko sa kanya kahit nagsusuplada siya sa akin. And I didn't know why at that time. Pero ngayon, may naisip na akong dahilan. Ilang beses ko na ring pinag-isipan ito simula nang mapanaginipan ko ang batang sunud nang sunod sa akin. I have a gut feeling na siya iyon. Hindi ko lang maalala ngayon ang pangalan ng bata.

KNIGHT IN SHINING CADILLAC [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon