CHAPTER THIRTY-SIX

1K 50 10
                                    

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Tila may kakaiba sa hanging dumampi sa aking balat. Napatingin tuloy ako sa paligid. Nagpalinga-linga. Subalit bigo akong makita ang inaasahan kong kakaiba. Ganoon pa rin ang nakikita ko, mga taong papunta't palabas ng simbahan. Lahat sila'y tila abala sa kani-kanilang buhay. Ni wala ngang pumapansin sa matandang ale na kanina pa nag-aalok ng paninda niyang kandila.

Wala ang inaabangan ko ng araw na iyon. Kakalungkot. Ilang linggo ko na yatang hindi siya nasisilayan. Ano kaya ang nangyari sa taong iyon? Lilisanin ko na sana ang tapat ng simbahan nang may marinig akong pamilyar na tinig.

"Aurora, mahal ko!"

Biglang kumalabog ang buo kong pagkatao. Agad akong napalingon. Mabilis kong iginala ang mga mata sa paligid at ganoon na lamang ang saya ko nang makita ko si Francesco na nakangiti sa akin habang nakaunat ang kanang kamay. Sinisenyasan niya akong lumapit.

"F-Francesco?" Hindi ako makapaniwala.

"Oo, mahal ko. Ako nga ito." Siya na ang kusang lumapit sa akin at niyakap ako. Napayakap din ako sa kanya nang mahigpit na mahigpit. Humagulgol ako. No'n ko napagtanto na sobra ko siyang na-miss. Subalit, kagaya ng bigla niyang paglitaw, ganoon din kabilis siyang naglaho.

"Francesco? Francesco!"

Nag-panic ako. Hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Naglakad-takbo ako at ginalugad ang buong paligid, pero wala na ang mahal ko. Sa tindi ng pagnanais kong makita siyang muli, naramdaman ko na lamang na ako'y tinangay ng hangin at napadpad ako sa isang gusali na tila ang bigat sa pakiramdam. Nakita ko agad ang kanyang asawa. Dali-dali ko siyang sinundan. At napamulagat ako nang makita sa isang silid ang aking mahal na tila nag-aagaw-buhay.

Saktong pagdating ko, gumalaw ang kanyang kamay at napaungol pa siya. Nakita kong kumislap ang mga mata ng kanyang kabiyak at nagsisigaw ito ng, "Nurse! Nurse! Nagising na siya!"

**********

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Hindi ako makahinga sa paraan ng pagtingin sa akin ni Alessio. Para bagang hinuhubaran ako ng kanyang mga mata. Na-conscious tuloy ako.

"Sei bellissima (You look beautiful)," anas niya nang makalapit na ako sa kanya. He still looked mesmerized. Dahan-dahan pa siyang tumayo habang titig na titig sa akin. Para bagang takot siyang mawala ako sa kanyang paningin. Pinagpawisan tuloy ako sa tindi ng kaba na dulot ng excitement.

Alam ko, hindi na ako dapat nagkakaganito dahil ilang beses nang may nangyari sa amin. Nakita na niya ako't lahat-lahat. Huli na para mag-astang birhen. Kaso may kakaiba talaga sa tingin niya ngayon. Para kasing gusto rin niya ako.

"Ready?" tanong niya.

Ready? Susko, heto na nga at kontodos gown na ako and all, iyon pa ang itatanong. Common sense! Pero siyempre naman, sinarili ko na lamang iyon. I smiled at him and nodded.

Napatikhim siya at napahagud-hagod sa buhok. Bawat galaw naman niya, natitingin ako. Nang tumigil siya sa paghagod ng buhok, napakurap-kurap ako. Nang tumingin ako sa mukha niya, I caught him looking at me.

"'Lika na," sabi ko na lang to cover up my embarassment.

Ang Ruso na bodyguard niya ang nag-drive ng sasakyan para sa amin. Magkatabi kami sa likod. May mga bumuntot din sa aming sasakyan ng isang grupo pang bodyguards at may nakamotor pa sa magkabilang gilid namin. Nagulat ako.

It was not the first time we had that many bodyguards, but the enemy is already dead. Para saan pa iyon? Hindi nga ako nakatiis, nagkomento ako tungkol doon.

KNIGHT IN SHINING CADILLAC [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon