CHAPTER FIFTEEN

789 49 8
                                    

A/N:  Nilagyan ko ng flashback para gets n'yo what happened during the transfer...Please like, comment, and follow. Salamat po!

**********

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Alam kong nananaginip lang ako pero ramdam na ramdam ko ang bawat pagtakbo sa luntiang parang. Kakaiba ang naramdaman kong saya. Hindi maipaliwanag. Napangiti nga ako nang malawak nang lumingon ako sa humahabol sa akin.

Napaderetso ako sa gitna ng nagtataasang halamang mukhang talahib na mukhang palay. Alam ko rin na hindi iyon ang mga nabanggit dahil nakita kong mayroon itong bunga na katulad ng sa palay ngunit malalaki lang ang butil.

Lagot! Mapapagalitan talaga kami ng may-ari nitong parang mamaya, naisip ko. Nababali na kasi ang mga tangkay ng nadadaanan ko, pero bahala na. Hindi ako pahuhuli sa kanya. Tawa pa ako nang tawa nang marinig ko ang malakas niyang pagmura dahil natisod siya't biglang nadapa. Ngunit ang tawa ko ay biglang nahinto nang may matanaw ako mula sa kalayuan. Tumigil din ako sa pagtakbo.

"Huli ka!" sigaw ng nobyo ko. Saglit lang akong nagpakita ng gulat. Mas nakatutok ang aking atensyon sa mga dumating na istorbo. "Bakit? Ano'ng problema?" Napatingin din ito sa tinitingnan ko.

"Ang mga hayop at hindi talaga nila ako tatantanan," anas ko.

"Ha? Sino?"

Itinaas ni Francesco ang sombrero niya para mabistahang mabuti ang mga bagong dating at nakita kong nangunot ang kanyang noo.

"Tila nakita ko na sila noon," anito.

"'Lika. Umuwi na tayo. Ihatid mo na ako sa amin."

Hindi naman nakipagtalo sa akin si Francesco. Hinawakan niya lang ang kamay ko at naglakad na kami pabalik sa kanyang sasakyan na nakahimpil lamang sa hindi kalayuan.

"Hoy, hudas, hintayin mo kami! Magtutuos tayong hudas ka! Ikaw ang dahilan kung bakit hindi kami nag-enjoy nang husto sa babaeng iyan noon! Kaya pala lagi ka na lang istorbo sa diskarte namin, iyon pala'y mayroon ka ring pagnanasa sa tontang iyan!"

Tumigil sa paglalakad si Francesco. Hinila ko siya ngunit hindi siya nagpahila. Bagkus, hinintay niya ang tatlo. Nang makita ko ang dala-dalang sandata ng anak ng marchese, isang napakahabang kutsilyo, napasigaw ako nang malakas sa takot. Dahil sa tindi ng nararamdamang pangamba para sa aming buhay, pakiramdam ko nagdilim ang aking paningin.

************

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Nagising ako nang maramdamang tila yumuyugyog ang aking katawan. Ang una kong naisip ay natalo ng mga hayop si Francesco at gusto na naman nila akong pagsamantalahan. Awtomatikong umigkas ang kamay ko at pinagsasampal ko ang salarin.

"Hey! What the hell!"

Nang marinig ko ang pamilyar na tinig, napadilat ako agad at napatitig nang matagal sa lalaking kaharap. Naka-T-shirt siya ng puti at nakapantalong maong. For a few seconds, na-disorient ako sa nakikita kong guwapong lalaki sa driver's seat, pero nang igala ko ang mga mata sa labas ng sasakyan at makita ang isang stone house sa burol no'n ko napagtanto na nananaginip lang ako kanina.

"Nasa'n tayo?"

"Wala na tayo sa Brescia. Nasa Bergamo na tayo."

"Ha? Ano'ng gagawin natin dito?"

"This is your new home from now on. Come. I'll give you a tour of the house."

Naunang bumaba ng sasakyan si Alessio at nauna ring pumasok ng bahay. Nilawakan niya ang bukas ng front door at nanatili siya sa front door habang naghihintay sa akin. Napalinga-linga muna ako sa paligid at sadyang namangha ako sa nakikita. Nasa pinakamataas na bahagi kami ng lugar. Kahit saan ko idako ang paningin, ang yayabong ng mga puno. Ang sarap sa mata ang luntian nilang mga dahon.

KNIGHT IN SHINING CADILLAC [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon