CHAPTER THIRTY-THREE

930 49 5
                                    

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Gaya ng dati, ikot ako nang ikot sa mga mataong lugar. Paborito kong puntahan ang mga simbahan, ngunit pagdating sa bukana nito umaatras din ako agad dahil pakiramdam ko may humihigop sa aking lakas. Makikita ko na lang ang sariling tumatakbo palayo. Minsang pilitin kong makalapit hanggang sa loob nito, nanlupaypay ako't natumba. Sa sobrang pagkahilo saglit akong nawalan ng ulirat. Natapakan pa nga ako ng mga taong nag-unahan sa pagpasok sa simbahan.

Teka. Posible din palang mawalan ng malay ang isang katulad ko? Malungkot kong tiningala ang simbahan kung saan ko unang nakita ang batang bukod-tanging nakakakita sa akin. Pakiramdam ko kasi kailangan ko nang iwan ang pook na iyon.

Dinala ako ng aking mga paa sa isang taniman ng mga mais. Pinangunutan ako ng noo nang maramdamang tila pamilyar ang lugar na iyon.

"Lorenzo! Hindi pa ba tayo uuwi?"

Napalingon ako sa nagsalita. Ang nanay ng bata! Napatingin ako sa lalaking tinawag niyang Lorenzo. Nanlaki ang mga mata ko nang tumambad ang mukha ng mama. SI Francesco!

"Francesco! Francesco!" Napatakbo ako sa kanya. Niyakap ko siya nang mahigpit ngunit tumagos ako sa kanyang katawan. Sinubukan kong yakapin siyang muli. Ganoon pa rin ang nangyari. Nalungkot ako at maiiyak na sana nang makita ko siyang natigil sa paglakad. Niyapos niya ang kanyang sarili at napalingon sa pinanggalingan. Nagpalinga-linga siya. Tingin ko'y naramdaman niya ang mga yakap ko.

"Aurora?" bulong niya sa sarili.

Lumapit ako sa harapan niya. "Narito ako, mahal ko."

Bumuga siya ng hangin at pinangiliran ng luha bago tuluy-tuloy na lumapit sa mama ni Conchita.

**********

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Lumingon sa akin si Signore Vitale mula sa pakikipag-usap sa kung sino man sa hawak na portable phone. Ngumisi siya sa akin.

"He must love you so much," komento nito habang nakatingin sa akin. Tapos binalik nito ang atensyon sa telepono. "Si, si. Of course." At humalakhak ito nang tila sa isang diyablo bago pinindot ang call end button.

I pretended I was not paying attention to him or his call. Nanatili akong nakatingin sa kawalan.

"Pinapahanap ka ng magaling mong asawa, pero dedma raw siya sa pagkawala ng kanyang ina't kapatid. Isipin mo iyon? Knowing Alessio, I think he's just being wise. Nakadikit sa iyo ang posisyon niya sa kompanya nila. The old Conti made sure he will take care of you." Humalakhak na naman ito. Naisip ko, nasisiraan na yata ito ng bait.

But then, I felt good about what he said. Nakaramdam ako ng pag-asa. Ang takot ko't pangamba ay naibsan. Na-excite din ako sa posibilidad na makikita ko na siya agad. Kaso nalungkot din ako sa sinabi ni Vitale. Baka nga ang concern ni Alessio ay dahil lang sa bilin ng kanyang ama.

"Boss, naghi-hysterical ang anak na babae ni Signore Conti. Ano ang gagawin ko sa kanya? Totodasin ko na ba?" anang balbas-sarado na mama. Pamilyar ang tinig nito.

Saan ko narinig ang boses ng hayop na ito? Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na iyon na si Luca, ang dating bodyguard ni Alessio. Nagulat ako sa kanyang transformation. Dati-rati kasi'y clean cut ito at makinis ang mukha. Ngayo'y mahaba na ang buok at halos natatakpan na ang buong pisngi ng facial hair.

Mali pala ang sapantaha ko noon. Inakala kong nakulong ito sa Paris dahil sa nangyari kay Monsieur Dubois. May narinig pa akong namatay ito sa natamong sugat sa engkwentro nila ng isa pang bodyguard ni Alessio nang gabing nasawi ang butihing monsieur. Totoo nga pala ang kasabihang ang masamang damo ay matagal mamatay.

KNIGHT IN SHINING CADILLAC [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon