CHAPTER TWENTY-FOUR

788 42 6
                                    

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Nagulantang ako sa kaguluhan sa may kusina. Nag-aaway ang mga magulang ko. May lumipad na mga plato't platito. Galit na galit si Papa. Hindi tuloy ako nakapasok. Nanatili ako sa bandang pintuan at pinakinggan ko ang kanilang pinag-aawayan. Tungkol sa akin!

Gusto ni Papa na magpakasal na kami agad ni Francesco. Hindi na kailangang hintayin pang mag-dalawampong taong gulang ako gaya ng napagkasunduan ng mga pamilya namin. Si Mama naman, mariing tumututol. Ang bata-bata ko pa raw kasi. Okay na sa kanya na engaged kami ni Francesco. Pasasaan din at ikakasal kami, sabi niya.

"Gusto mong kutyain tayo ng mga tao? Gusto mong manganak ang anak mo nang walang kinikilalang ama ang bata? Ano na lang ang sasabihin ng mga kakila't kaibigan natin?"

"Hindi sila importante." Kalmado pa rin si Mama.

Hayun, lumipad na ang mga baso't kubyertos. Kung hindi ako nakailag ay nasapol siguro ako sa noo.

Nang makita kong galit na tumalikod kay Mama si Papa at tila lalabas ng kusina, dali-dali na akong tumakbo palabas ng bahay. Kailangan kong makita si Francesco. Hindi na ako uuwi sa amin dahil baka kung ano ang gawin ni Papa sa akin. Noon ko lamang siyang nakitang naging bayolente kung kaya alam kong may gagawin itong masama kapag hindi nasunod ang gusto.

**********

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

"We're here," narinig kong anas sa akin ng pamilyar na tinig. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ang una kong nakita ay ang nakangiting mukha ni Signore Lorenzo.

"Did you have a good sleep?" tanong nito sa akin.

"Opo," sagot ko sabay tingin sa labas ng helicopter.

Bumababa na ang mga kasama namin sa rooftop ng isang tila gusali. Pagkasabi sa akin ni Alessio na nakarating na kami sa helipad ng mansion nila sa Brecia ay sumunod na rin ito sa mga nagsibabaan nilang bodyguards at staff. He gave his hand to me at tinulungan niya akong makababa rin. Si Aldo naman ang tumulong kay Signore Lorenzo.

Nasa bandang pintuan na kumukonekta sa loob ng mansion ay nakatayo ang kapatid ni Alessio na si Concetta. Nakahalukipkip ito at nakatingin sa akin nang masama. Nang magtama ang aming paningin, umirap siya saka pumasok ng bahay. Ang kasunod na sumilip ay ang kanyang ina. Ganoon din ang reaksyon niya nang makita ako. They both looked like high-end kontrabidas of a telenovela. Kahit nasa bahay lang kasi ay grabe kung pumorma. Signature clothes talaga ang suot!

I felt intimidated. Grabe kasi ang aura nilang dalawa. Parang sosyal na predators! Pero siyempre, hindi ako nagpahalata. Baka lalo kasi nila akong takutin.

Tuwang-tuwa naman si Emma nang makita ako. Pinuri-puri pa ako dahil sabi niya nag-glow daw talaga ako sa Bergamo. Hindi na ako nagpaliwanag na mas tumagal kami sa Marseille kaysa sa nilipatan namin sa Bergamo. Natigilan ako at napalingon sa kanya nang ma-realize na alam niya kung saan kami lumipat! Ang alam ko walang sinabihan si Alessio na kahit sino kaya nga kami lang ang sakay ng kotse nang pumunta roon. Huli na nang sinabihan niya ang dalawang bodyguards. Kaya paano nalaman ni Emma?

Hindi ko pinahalata ang naobserbahan ko. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Fresh kasi ang hangin. Masarap sa pakiramdam," sabi ko. Iniwasan kong banggitin ang lugar.

Sinabayan niya ako papunta sa dati kong silid. Pero pagdating namin sa harapan no'n, lumapit si Alessio.

"You are staying in my room from now on," sabi nito matter-of-factly.

Napatanga ako sa kanya. Napakurap-kurap pa. Si Emma nama'y saglit lang nagulat tapos ay palihim itong ngumiti sa akin. Kilig na kilig.

"So should I bring Signora Conti's luggage in your room, Signore Conti?" tanong ni Emma. May emphasis sa signore at signora. Ang loka-lokang ito! Pero nangiti ako nang lihim. Siguro nga'y open knowledge na sa lahat na kasal na nga kaming dalawa.

KNIGHT IN SHINING CADILLAC [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon