CHAPTER SEVEN

1.1K 50 5
                                    

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Nagising na lang akong nananakit ang sugpungan ng aking hita. Nang damhin ko iyon may nakapa akong likido. Ganoon na lamang ang panghilakbot ko nang makita kong kulay pula iyon. Napasigaw ako nang malakas ngunit nag-echo lang ang aking tinig. Nang mapagtanto kong walang sasaklolo sa akin, sinikap kong bumangon. Painot-inot akong gumalaw dahil sa pananakit ng aking katawan lalo na ng ibabang bahagi nito. Nang lubos na akong nakaupo, no'n ko napansin na ako'y hubo't hubad. Kasabay ng reyalisasyong iyon, rumagasang parang baha sa aking diwa ang nangyari sa akin kani-kanina lamang. Halos panawan uli ako ng ulirat nang mapagtantong nagtagumpay ang grupo nila Enrique na gawan ako nang masama.

"Diyos ko! Bakit N'yo ako pinabayaan?" At ako'y napahagulgol.

May narinig akong mga yapak. Natigilan muna ako sa pag-e-emote. Nang masigurong hindi ako nagha-hallucinate lamang, kaagad kong hinagilap ang aking mga saplot. Naisuot ko lahat pwera ang aking panloob. Nawawala ang panty ko. Pero hindi na bale dahil mahaba naman ang suot kong palda.

Napamulagat ako nang tumambad ang estranghero. Ang lalaking sumagip sa akin noong isang gabi. Siya na naman! Umiyak ako sa harapan niya at sinabi ko sa kanyang nahuli siya this time.

Lumuhod ang estranghero sa harapan ko at hinawakan ako sa balikat. Tapos, tinulungan niya akong makatayo. Butil-butil na luha ang tumulo mula sa kanyang mga mata. For the first time, nasilayan ko ang kanyang mukha. Ang pogi niya! Ngunit mabilis na nilamon ng sikat ng araw ang imahe niya. Bago ko pa mabistahan at mamemorya ang bawat facial features niya, lumabo na ang kanyang hitsura hanggang sa nawala na lang siyang parang bula.

"Signore!"

**********

"Signorina Eliza, you seemed to have a bad dream," ani Emma, ang personal assistant ko. Yumuyugyog pa ito sa balikat ko.

"Huh?" naalimpungatan ako. Napakurap-kurap ako habang nakatitig sa kanya. Mabilis kong inikot ang mga mata. Nasa isang silid na ako na kulay rosas ang dingding. Wala na ako sa gitna ng bukid.

Painot-inot akong bumangon saka bumuga ng hangin.

Napapadalas na yata ang masama kong panaginip. Bakit gano'n? Nawala na ang matandang babaeng nakadamit ng puti na tila tumatawag lagi sa akin na pumunta ng aplaya. Iba na ngayon ang tema ng lagi kong napapanaginipan. Hinahabol ako ng mga kalalakihan para pagsamantalahan. No'n ko biglang naalala. Ang huli kong natatandaan ay ang pagkahipo ng mamasa-masang likido sa sugpungan ng mga hita ko. Nang tingnan ko ang mga daliring nakahipo roon, may nakita akong dugo. Pinanlamigan ako. Ang ibig bang sabihin no'n ay nagtagumpay ang mga hayop na iyon?

"Are you all right, Signorina Eliza?"

Nagtagumpay nga siguro ang mga walanghiyang mama! Kung bakit kasi na-delay ng dating ang estranghero na lagi na lang ay sumasaklolo sa akin.

Teka, bakit ganoon lagi ang napapanaginipan ko? Sino ang babaeng hinahabol? May kaugnayan kaya iyon kay Aurora, ang babaeng laging naipagkakamali sa akin?

"Signorina Eliza? Are you okay?" ulit ni Emma. Sinalat-salat na nito ang noo ko.

"Y-yes, I am."

"Okay," pakli nito. Mukhang hindi naniniwala. "I was asking you a while ago if you want to have your breakfast here in your room. Signor Alessio already left. The old signor refused to eat this morning. He is still in his room. You will be eating breakfast on your own even if you decide to go downstairs."

Na-guilty ako na kailangan pa akong pagsilbihan, kaya sinabihan ko na lang na pwedeng ako na ang kumuha ng pagkain ko sa kusina nila.

Ngumiti si Emma nang alanganin.

KNIGHT IN SHINING CADILLAC [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon