CHAPTER TWENTY-TWO

758 53 7
                                    

A/N:  Please like and drop a comment. Salamat po!

**********

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Ang sakit-sakit ng puson ko. Para itong hinihiwa. Pagtayo ko para pumuntang banyo, nakita kong may malaking marka na kulay pula sa kama at kada hakbang ko'y may pumapatak na dugo sa sahig. Napanganga ako. Kailanman hindi naging ganito ka lakas ang daloy ng buwanang dalaw ko. Nataranta ako.

"Mama! Mama!"

Bumukas ang pintuan ko. "Mahabaging Diyos!" naibulalas nito at napakurus agad ito. Katulad ko'y nataranta rin siya sa dami ng dugong lumalabas sa akin. Imbes na lapitan na ako'y sumigaw pa ito kay Papa.

Shocked na shocked si Papa nang makita akong nanlalata na sa dami ng lumabas sa aking dugo. Mabuti na lang at hindi ito nagpadala sa pangamba. Pinangko niya ako at minanduan si Mama na tumawag ng ambulansya. Makaraan ang ilang sandali'y dumilim na ang aking paningin kaya hindi ko na alam kung anon ang nangyari matapos akong dalhin sa ibaba ng bahay.

Nakita ko na lang ang sarili sa loob ng isang puting silid. Hilam sa luha ang mukha ni Mama samantalang madilim naman ang anyo ni Papa. Kinabahan ako. Ano kaya ang sakit ko? Bakit ganyan ang reaksyon ng mga magulang ko?

"Mama? A-ano ang sakit ko?"

Napahagulgol si Mama. Lalo akong kinabahan. Si Papa nama'y tumalikod na lang bigla. Lumayo siya sa kama ko.

"Kailangan na ninyong makasal ni Francesco sa lalong madaling panahon. B-buntis ka, anak!"

"H-ha? Paanong nangyari iyon?!"

Galit na bumalik sa harapan ko si Papa at ginagad ako. "Paano nangyari iyon? Ikaw ang nakakaalam niyan! Ikaw ang sumagot!"

Dinaklot ng takot at pangamba ang puso ko. Siguro bigla akong namutlang tila papel dahil biglang huminahon si Papa at malungkot niyang sinabi na wala akong ipag-aalala sa bata. Nailigtas daw ito ng mga doktor. Lalong dumagundong sa kaba ang puso ko.

"Alagaan mo ang iyong sarili. Kritikal ang unang trimestre ng pagbubuntis. Kadalasan sa ikawalong linggo nahuhulog ang bata kaya mag-ingat ka palagi."

"Dalawang linggo?" tanong ko sa mahinang tinig. Takot na takot akong kompirmahin ni Mama ang tanong ko. Nang tumango nga ito, nagdilim na naman ang paningin ko.

**********

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Bigla akong nagising. Napahawak agad ako sa puson at bahagyang na-disorient. Hinanap ko ang kulay puting dingding, subalit ang bumulaga sa akin ay ang kulay light beige na silid. Mabilis na bumalik ang huwisyo ko nang makita ang kamang kinadadapaan ng kalahating bahagi ng aking katawan. Nakasalampak pala ako sa sahig. Pagtayo ko, no'n ko lang napansin na hawak-hawak ko pa pala ang librong The Great Gatsby. Tiniklop ko ang pahinang huli kong binabasa nang maidlip at pinatong ito sa bedside table. Tapos, umakyat na ako sa kama.

Iidlip na sana ako nang marinig ang seradurang tila pinipilit buksan. Naisip ko agad si Alessio at bigla akong na-excite. Nagtulug-tulugan ako para hindi ko na kakailanganin pang makipag-usap sa kanya. Baka kasi kung magtama ang aming paningin at hingin niyang i-consummate na ang kasal ay magiging marupok ako at pagbibigyan ko siya.

May kalabog akong narinig. Parang may sumipa sa pinto. Mayamaya pa'y bumukas nga ito at sa tindi ng impact ay humampas pa ang likod nito sa dingding. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino ang bagong dating. Hindi si Alessio! Hindi rin ito si Giovanni o Luca! Isang hindi kilalang nilalang ang bigla na lang pumasok sa silid! Nag-panic ang puso ko. Natutukso na akong sumigaw, ngunit tila dumikit ang dila sa lalamunan ko. Walang tunog na lumabas.

KNIGHT IN SHINING CADILLAC [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon