CHAPTER THIRTY-ONE

807 42 5
                                    

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Nawili ako sa katititig sa isang batang paslit na abala sa pagtawad ng balloon sa lalaking naglalako nito. Gusto ng bata na bumili ng dalawa, ngunit para lamang sa iisa ang dala niyang pera. Nang iabot ng nagtitinda sa kanya ang isang kulay rosas na balloon, ayaw nitong tanggapin. Nagpapadagdag pa talaga.

"Ineng, ito lang ang kayang bilhin ng pera ninyo," nakangiting sabi ng mama sa bata.

Mabilis na umiling-iling ang paslit. Ayaw pumayag.

"Nasaan ang iyong magulang?"

Lumingon ang bata at nagtama ang aming paningin. Pinaningkitan niya ako ng mga mata. Napalingon naman ako kung sino ang kanyang tinitingnan. Walang tao sa likuran ko. Nang mapagtanto kong nakikita ako ng bata, nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

"Nakikita mo ako?!"

Tumangu-tango ang bata. Ni hindi ito nagsalita. Napatingin sa kanya ang tindero ng mga balloons. Tumingin-tingin din ito sa paligid. Nang walang makitang tao, tinanong niya ang paslit.

"Sino ang tinitingnan mo?"

Itinuro ako ng bata. Awtomatikong napalagay ako ng palad sa dibdib. "Ako?" tanong ko pa.

Tumango uli ang bata sa harapan ko. "Opo. Kayo po."

"Sino ang kinakausap mo riyan, ineng?"

"Ang ale po. Hayan po, oh."

Nakita kong namutla ang tindero ng mga balloon. Tingin ko kinilabutan ito. Nagulat na lang ako nang iabot na rin nito ang kulay dilaw na balloon at lakad-takbong nilisan ang pook na iyon.

"Paanong---bakit mo ako nakikita?" nagtataka kong tanong.

"Bakit duguan kayo? Sino ang nanakit sa inyo?" inosenteng tanong ng paslit.

Duguan? Ako? Tumingin ako sa ibaba. Nakapaa na lang ako at mayroong mga patak ng dugo sa aking binti at bukong-bukong. Sinubukan ko itong pahiran, pero wala akong nakapa.

"Conchita!"

"Mama!" At tumakbo ang bata sa babaeng tumawag sa pangalan niya.

"Sino ang kinakausap mo?"

Lumingon sa direksyon ko ang bata at umikot-ikot. Tila may hinahanap. Pagkatapos, pinangunutan ito ng noo. No'n ko na-realize na hindi na niya ako nakikita. Hindi ko alam kung bakit pero tila naglaho akong parang bula sa kanyang paningin. At sa hindi rin maipaliwanag na dahilan nanibugho ako nang labis sa babaeng tingin ko'y kanyang ina.

**********

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Napapiksi ako nang marinig na naman ang sunud-sunod na mahihinang katok.

"Signora Eliza?" Si Emma.

Napahawak ako sa dibdib. Siya nga! Tiningnan ko ang relos na nasa dingding. Ilang minuto pa lang pagkatapos kong maibaba ang telepono. Alam kong hindi pa nakaalis ng opisina niya si Alessio.

"Signora Eliza, may dala akong meryenda ninyo. Baka nagugutom na po kayo."

Hindi ako sumagot. Nagpaikot-ikot ako sa silid. Nag-isip kung magtatago ba o ano. Kung gawin ko iyon, mako-confirm niya na ako nga ang taong nakinig sa usapan nila ni Giovanna noong isang gabi. Kung sasagutin ko naman at magkunwaring wala akong alam sa tinatago nialng sekreto, baka pilipilitin niyang pumasok ng silid at gawan ako ng masama.

Stop scaring yourself. Dapat nga hindi mo kinatatakutan ang katulong!

Tumikhim-tikhim ako at pinatatag ang loob.

KNIGHT IN SHINING CADILLAC [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon