CHAPTER TEN

995 48 6
                                    

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Nawala na ang dati'y sigla kong pumuntang simbahan kapag araw ng Linggo. Pakiramdam ko kasi'y nawalan ng saysay ang pagiging madasalin ko at pagiging palasimba. Noong kinailangan ko Siya, hindi niya ako tinulungan. Hinayaan niya akong halayin ng mga halimaw na lalaking iyon!

Nagtaka ang mama't papa kung bakit ayaw ko nang magsimba. Dati-rati'y ako pa ang yumayaya sa kanila na magtungong simbahan. Pero ngayon, kahit anong pilit nila sa akin, ayaw kong bumangon para gawin ang nakasanayan ko na.

"Anak, bakit ayaw mo na namang magsimba?" masuyong tanong ni Mama.

Imbes na sagutin ito'y tinalikuran ko. Nagtalukbong pa ako ng kumot.

Narinig ko si Papa na nagsabi ng, "Hayaan mo na lang iyan. Baka tinatamad lang. Halika na't umalis na tayo dahil baka ma-late pa tayo sa misa."

Nang nabatid kong wala na sila saka ko tinanggal ang kumot sa katawan at mabilis na bumangon. May kailangan akong puntahan. Magbabakasakali akong makita ko sa bayan ang mamang tumulong sa akin. Marahil ay kababayan ko lamang siya.

Sinubukan kong alalahanin ang kanyang mukha subalit ang nakita ko lamang sa aking imahinasyon ay ang itim niyang sombrero at iyong kumikinang niyang sasakyan. Hindi na klaro sa isipan ko ang maamong mukha ng lalaking sumagip sa buhay ko nang hindi lang isa kundi ng maraming beses na.

**********

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Nang gabing iyon, hindi ako makatulog. Habang iniisip ko ang job offer ni Philippo Vitale, lalo akong kinabahan. Sa kung ilang taon ko na ring paninirahan sa Italya, alam kong walang ganoon ka generous na benefits ang pagiging private tutor kahit sa isang mayaman gaya ni Signore Vitale. Aba'y dinaig pa ang isang kapitan sa barko sa laki ng inaalok niya sa aking sweldo. Hindi pa kasali riyan ang working condition. Mayroon daw akong dalawang buwang bakasyon kada taon at maaari kong gugulin iyon sa pag-uwi sa Pilipinas, all expense paid pa raw!

Too good to be true.

Naalala ko si Manang Cora. Lagi niyang pinapaalala sa akin na kapag 'too good to be true' ang isang bagay, marahil ay hindi nga iyan totoo.

Nag-flash uli sa isipan ko ang mukha ni Signore Vitale. Napatakip ako ng bunganga nang maalala kong mabuti ang tila naglalaway niyang bibig. Tama nga yata si Alessio. May pagka-manyak ang taong iyon. Marahil gusto niya akong malula sa kanyang yaman nang sa gano'n ay makuha niya ng gano'n-gano'n lang. Nakaramdam ako ng inis.

Hindi ko na alam kung mga anong oras ako nakatulog. Basta pagbiling ko ng higaan, sinalubong ako ng mumunting liwanag na nagmula sa maliit na siwang ng pinaghawing kurtina. Napabangon ako sabay hikab. Kailangan ko nang bumaba. Mukhang umaga na.

Saktong pagkabangon ko may narinig akong mahihinang katok sa pintuan. Napalingon ako rito agad. Dali-dali akong bumangon at lumapit sa pinto. Sinilip ko sa peep hole kung sino ang bisita ko. Si Emma. May dala-dala siyang tray ng pagkain.

"Good afternoon, Signorina Eliza."

Ha? Good afternoon? Kagigising ko lang ah! Napahesusmaryosep ako nang makita ang oras sa wall clock. Ala una y medya na ng hapon!

"Shucks! I'm so sorry, Emma at hindi ako nakababa for breakfast!" sabi ko rito sa magkahaong Ingles at baluktot na Italian.

Ngumiti si Emma at marahang itinulak ang trolley na may lamang tray ng brunch ko.

"Ano ba kayo, Signorina Eliza. Wala kayong dapat ihingi ng paumanhin sa akin. Amo ko kayo. Ang sagwa pakinggan na ang amo ay humihingi ng dispensa sa kanyang katulong," anito.

KNIGHT IN SHINING CADILLAC [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon