Tuesday palang pero yung sulat ko sa palad ay medyo nabubura na. Binalot kopa ito ng plastic kanina nung naligo ako pero medyo nabasa yata dahil sa pawis. Medyo inayos ko nalang ang pagkakasulat at sana hindi iyon mahalata ni Ma'am baka hindi niya tanggapin ang quiz ko
"I am Francis Arellano, you can call me Sir Francis and your instructor to the Architectural Design 3" Mukhang mabait si Sir at feeling ko ay may rason na naman ang mga kaklase kong babae para pumasok dahil maliban sa mga dimples niya ay sobrang nagpacute pa dito ang smiley face niya. Pero wala pa ring tatalo kay Sir Vin
Naalala ko tuloy yung moment namin together dahil nakasama namin siya sa isang seminar dati, isa yata siya sa mga instructor that time. Napansin niya ako noon at pinuri pa niya ako kaya sure ako na kilala pa niya ako
Tulad ng ibang prof introduction lang yung ginawa ni Sir Francis at magbibigay nalang daw siya ng plate next meeting kasabay non ang discussion niya. Dahil whole day ang subject namin sa kanya, agad ding umuwi ang mga iba kong kaklase kahit 10 am palang.
"Hindi pa kayo gutom mga frennies? Tara cafeteria" Pagyaya ni Tracy sa amin. Kahit na tamad akong tumayo ay sumama nalang ako dahil gutom na rin pala si Ally
"Nandito na naman si kuya Vin oh" turo ni Tracy sa labas ng Cafeteria kaya pala medyo maingay dahil sa kanya. Nakaorder na kami ng pagkain at bumili lang ako ng milk tea dahil busog pa naman ako
"Totoo raw yung chismis" Napatingin naman ako kay Ally na busy sa pagkain ng pasta niya
"Anong chismis?"
"May asawa na si Sir Vin" So siguro ay totoo yung chismis dahil na rin laging nandito si kuya Vin, maliban sa siya ang pwedeng maging susunod na university president ay wala na akong ibang nakikitang rason para pumunta siya rito
"Huy yung palad mo Fern" Napatingin ako sa palad ko at ang tanga ko dahil napanghawak ko ng milktea na malamig yung palad ko at for sure ay mabubura ito gawa ng basa na nakuha ko sa milktea
"Saan ka pupunta?"
"Kay Ma'am Rayi" hindi kona hinintay ang sagot nila at tumakbo na ako. Inaalala ko yung quiz ko na baka hindi na mabasa ni Ma'am
Sa sobrang pagtakbo ko ay nakabangga tuloy ako. Gusto kong dumaing pero feeling ko wala akong karapatan dahil ako yung nakabangga
"Are you okay?" inilahad niya ang kamay siya at agad ko naman kinuha ito para tumayo. Omygosh, nakakahiya. Bakit sa lahat ng pwede kong mabangga bakit siya pa?
"K-kuya Vin"
"You are Miss Leofonzo right?" nagliwanag naman ang mata ko dahil natatandaaan pa niya ako. So ibig bang sabihin neto special ako sa kanya? Huwag kang mag-assume Ferniza! May asawa na yan! "Are you alright?" tanong niya ulit. Nakatulala lang kasi ako dito at naghihintay ng lakas ng loob para magsalita
"ah o-opo, I am Ferniza Leofonzo po" pinagdikit ko ang palad ko dahil nahihiya ako. Kahit kailan talaga nauutal ako lalo na kapag natetense
"omg Sir, I am sorry po but I need to go na po" kahit nahihiya ako ay agad akong tumakbo at pumunta sa office ni Ma'am Rayi. Nakita ko kasi ang palad ko na nawawala na yung mga sulat ko and I think dahil nagasgas kanina nang bumangga ako kay kuya Vin.
Kumatok muna ako ng tatlong beses pero wala pa ring bumubukas. Ang epic kung katok ako ng katok dito tapos may lecture pala siya. Pero kailangan ko na talagang ipacheck 'to bago mabura ang lahat kaya naman nilakas ko yung katok at doon palang lumabas ang isang babaeng salubong ang kilay
"What do you need Miss Leofonzo?"
"Good morning ma'am" hingal na hingal pa rin akong sumagot "Ma'am I need you" huminga muna ako ng malalim pero putol putol pa rin yung pagsasalita ko "I need you to check my quiz" agad ko namang pinakita sa kanya yung palad ko
