"Ate answer my call"
"I'm here sa labas ng pintuan mo"
Pinakikinggan ko ang mga voice messages ni Fiona habang nakatingin ako sa ceiling. I was so drained right now, exhausted from being governor, exhausted from all the papers, exhausted from dealing with our business. Hindi na ako natutuwa because it felt like I was carrying the weight of the world on my shoulders.
Tiningnan ko ang sarili ko salamin, I haven't washed my face since this morning and my hair is a tangled mess. Wala rin laman ang tiyan ko. Naranasan ko na rin ito dati noong bigla nalang nawala si kuya at noong bigla nalang siyang nawala, the same feeling that had haunted me for months.
This feeling wasn't new to me anymore, but my mind and body still weren't immune.
"What do you want my little sister?" Nakaupo ito sa harap ng pintuan ko habang nakaharap sa cellphone niya.
Binigyan ko siya ng pilit na ngiti at sumenyas na pumasok sa condo ko. Hindi ito pumasok bagkus ay nanatiling nakatayo sa labas.
"Want some coffee?" Tanong niya sa akin, I know she's inviting me dahil siguro ay nararamdaman niya kung gaano ako kapagod.
"I'm doing a lot of things Fiona" pagtanggi ko sa alok niya. Actually, marami naman talaga akong gagawin pero wala akong balak gawin ito tonight dahil tinatamad ako at wala akong gana.
"Sayang naman, I want to celebrate my first uno sana with you" napatingin ako sa kanya at napangiti.
"Wee? Tingin nga" saglit niyang binuksan ang phone niya at iniharap ito sa akin. "Wow! Ang galing mo naman, mana ka talaga sa akin"
"Mana ako kay kuya" pagkontra niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Maliligo lang ako, upo ka muna diyan"
"Ate maliligo ka pa ba? Ang tagal mong maligo eh" hindi ko naman siya pinansin at dumiretso na sa kwarto ko.
I'm so happy for her. I know she's struggling right now, especially with academics, but she's working hard, and I can see that dedication. I'm so proud of her.
"Anong gusto mo?" Tanong niya nang makaupo kami, tiningnan ko saglit ang menu. Kahit na paborito kong vanilla coffee ay nawawalan akong gana ngayon.
"Anything" tipid na sagot ko sa kanya.
"You want matcha?" Nakatingin ito sa menu habang nakalagay ang isang kamay sa baba niya.
"What the heck Fiona?! Why matcha?!"
"Woah. Relax. Ano bang mali sa tanong ko? I'm just asking you" huminga naman ako nang malalim at nagroll-eyes "Galit ka ba?" Tanong niya, umiling naman ako bilang sagot.
"Anything, except matcha" sagot ko sa kanya.
"Wait may tumatawag" kinuha naman niya ang phone niya at sinagot ito. "What?!" Napatayo ito sa upuan at nakakunot ang noo. "Papunta na ako"
"Who's that?"
"Si Kuya Oliver, nakita na raw yung driver ng sasakyang nakabangga sa amin" pagkarinig ko sa sinabi niya ay tumayo na ako.
Ilang minuto lang ang biyahe at nakarating din kami sa police station.
"Where is he?!" Malakas na sabi ng kapatid ko, agad naman naming nakita si Kuya Oliver na may kausap na pulis.
"He's already in detention, and we're just waiting for the police detectives to question him"
"Bakit kailangang hintayin pa sila? Hindi ba pwede tanungin siya ngayon na ngayon?!" Ramdam kong nag-uumpisang magalit si Fiona kaya hinawakan ko ang braso niya upang kumalma siya.
