Chapter 3

8.1K 221 33
                                    

"Miss Leofonzo, what are you doing here?" Bakit ang swerte ko ngayong araw? Pagpunta ko palang sa clinic ay naabutan ko kaagad si kuya Vin. Destiny na ba ito? Lagi kasi kaming nagkikita ngayon

"Ipapacheck lang po yung sugat ko Sir" Wow hindi yata ako nautal doon. Hindi ko tuloy maiwasang tawagin siyang 'sir' kapag may tao sa paligid namin

"Bakit ka naman nasugat?" Sasabihin ko bang dahil sa isang flower vase ng professor namin?

"Oh Louize, bakit nandito ka ngayon?" Tanong ni Ma'am Ortizo, isa sa mga nurse sa clinic namin. Kung hindi ako nagkakamali nasa 40 na siya, ilang years na rin kasi siyang nagtatrabaho sa university namin. Kilala na rin niya ako dahil dalawang beses na akong pumunta dito, una noong nahimatay ako dahil sa puyat at pangalawa naman noong nakipagsuntukan ako sa lalake. Hindi naman ako ginantihan nung lalake pero yung babaeng patay na patay sa kanya ay sinabunot ako.

"Nasugat po kasi ako, first aid lang po yung binigay sa akin. Pinapadaan ako dito para makita niyo kung ano pa pong treatment ang pwedeng gawin" pinaupo naman ako ni Ma'am Ortizo at tinanggal yung nakatali doon

"Ang lalim ng sugat mo, saan ka nasugat?"

"Sa basag na flower vase po"

"Saan ka naman nakabasag?"

"Doon po sa office ni Ma'am Rayi" nahihiya kong paliwanag

"Rayi? Rayi Shigeno?" Biglang tanong naman ni kuya Vin sa akin. Nandito pa rin pala siya, ano kayang ginagawa niya sa clinic?

Tumango nalang ako bilang sagot, gusto kong tanungin kung sinusungitan din siya ni Ma'am Rayi dahil nakakunot ang noo niya noong nagtanong siya sa akin

"Oh ayan, okay na. Pwede kana ulit pumasok basta huwag mo lang pwersahin"

Nagpaalam at nagthank you naman ako kay Ma'am Ortizo bago umalis. Nagpaalam din ako kay Sir Vin na may hawak na papel ngayon.

"Miss Leofonzo" napahinto ako sa paglalakad sa hallway nang tawagan ako ni kuya Vin. Sir konti nalang talaga lalandiin na kita "How's your hand?" Gusto kong ngumiti sa tanong niya lalo na nung nakita ko siyang papalapit sa akin habang nakangiti pero piigilan ko baka kasi mainlove si Sir sa mga dimples ko

"Okay naman na po Sir, hindi na masyadong masakit" pero kapag hinawakan mo ito Sir baka gumaling na agad

"Napagalitan kaba kay Ma'am Rayi?" Kung alam mo lang Sir muntik na niya akong pinaiyak

"Medyo po, mas sentimental value daw po kasi yung vase kaya nagmukhang dragon nung nabasag ko" napatakip naman ako sa sinabi ko dahil hindi napigilang pagsasalita. Nakakahiya professor pa naman ang sinabi ko noon

"Hahaha you're funny Leofonzo" napangiti nalang ako ng malawak dahil sa tawa niya. Nakakapanghina naman yung bawat tawa niya na alam kong ako ang dahilan. Akala ko ay magagalit siya pero hindi naman pala. "A dragon? I will tell her she's a dragon"

"S-sir no!" Nanlaki ang mata ko, baka kainitan ako ni Ma'am Rayi kapag nalaman niyang sinabihan ko siyang dragon at galing pa kay Sir Vin

"I'm kidding" natatawa pa rin siya pero naisip ko parang ang close naman nila kung isusumbong or sasabihin niya ang sinabi ko "Are you busy next week?" Bakit po gagawin niyo ba akong kabit next week?

"Hindi naman po Sir, as of now wala pa pong binibigay na gagawin namin para maging busy kami" pagpapaliwanag ko sa kanya, napangiti nalang siya habang nakatingin sa akin kaya nag-iwas nalang ako dahil nararamdaman ko yung mga paru-paro sa tiyan ko.

The Scent of an OrrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon