"Nakita niyo ba yung post ni Dylan?" Tanong ni Ally habang nasa cafeteria kami. 9am palang pero parang sira na ang araw ko pagkarinig ko sa pangalan niya
"Tangina no'n, ulol 'yon ayaw pa rin tumigil?" Galit namang tanong ni Tracy at pagalit na binaba ang iniinom nitong Kape. As much as possible sana ayokong magsayang ng laway ng dahil kay Dylan
"Nagsorry siya about sa ginawa niya tapos sabi pa niya na kung sino mang nanakit or magbabalak na manakit kay Fern ay siya ang makakalaban" napapikit nalang ako sa narinig ko. Kung tutuosin mas kaya kopang protektahan ang sarili ko at baka ikapahamak ko pa kapag nasa tabi ko siya
"Ang conry pwe kasuka" natawa nalang ako kay Tracy dahil yung pagsasalita niya ay may actions pa
Thursday ngayon at wala kaming meeting doon sa propesorang kinaiinisan ko. Mabuti nalang hindi ko siya makikita ngayong araw at makakapagpahinga ang puso ko sa kaba at takot kapag tinitingnan niya at pinapagalitan niya ako. Ang talino niyang tao pero hindi man lang nagtira yung utak niya sa ugali.
Kailangan niya pa akong pagalitan at husgahan kahapon pero bandang huli papayag naman siyang maging mayor ako"Hatid mo ako mamaya Louize my friend, hindi ako masusundo nung driver ko" tingnan mo itong babae na'to kung makapag-utos akala mo driver ako
"Ano ako? Driver mo?" Nakataas kong kilay na sabi sa kanya
"Punta tayo sa mall nina Ally, libre lang pagkain doon kasi mga kaibigan naman niya tayo" kahit kailan ang kuripot netong kaibigang kong ito. Mayaman naman sila, sikat ang pamilya nila sa clothing brand pero kung makapangburaot daig pa ang timawa
"Mukha ka talagang timawa no"
"Ah talaga ba? Mamamo" natawa naman si Ally sa bangayan namin pero natigil ito nang tumahimik ang cafeteria
"Ang ganda talaga ni Ma'am"
"Kahit masungit nakakainlove pa rin"
"Ang ganda nila"
"Sa akin na si Ma'am Wendy"
Tumingin naman ako sa bungad ng cafeteria at nakita ko ang mga papasok na professor.
Kasama ni Ma'am Rayi sina Ma'am Wendy at Ma'am Monica na professor din sa department namin. Kasama din nila si Sir Rico at Sir Francis.Yung maingay na cafeteria ngayon ay nanahimik at ang ibang estudyante ay trying hard magpapansin sa mga professor.
Sa limang guro na nasa loob ngayon ay iisa lamang ang tinitingnan ko. Marunong naman pala siyang ngumiti pero bakit hindi niya magawa kapag nasa classroom?
Mas lalo siyang gumaganda dahil maliban sa hindi nakakunot ang kilay niya ay makikita mo mga puti niyang ngipin, sana lagi nalang siyang nakangiti para hindi siya magmukhang dragon."Huwag mo naman patayin si Ma'am sa isip mo" bulong ni Tracy sa akin kaya napatingin lang ako ng masama sa kanya at binato yung kinurot kong tinapay na hawak ko ngayon. Hindi ko naman siya pinapatay sa isip ko, balak palang.
Tiningnan ko ulit ang propesora at nanlaki ang mata ko't napaiwas dahil nagtama ang tingin namin habang nakangiti siya. Nakatingin ba siya sa akin?
Napatakip ako ng mukha at halos magtago kay Tracy na kaharapan ko sa table ngayon.
"Napano ka?" Tanong ni Ally dahil sumiksik ako sa tabi niya
Ilang beses na nagtama ang tingin namin lalo na kapag pinapagalitan niya ako pero this time parang sobra ang kaba na naramdaman ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko at feeling ko ay hindi na ako makakatingin sa kanya ngayon.
Parang kanina lang hinihiling ko na sana lagi siyang ngumiti para hindi siya magmukhang dragon pero ngayong nagtama ang tingin namin habang nakangiti siya ay ayoko na. Parang mas lalo akong kinabahan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon.
BINABASA MO ANG
The Scent of an Orris
RomanceThis is a GL and a professorxstudent relationship. If you are not comfortable reading it, then skip it. TAGLISH