"Congratulations Miss Fuentes""Thank you"
Sari-saring mga estudyante ang mga nakatayo ngayon upang panoorin ang mga nasa stage. At the forefront stands the university president, exuding authority, accompanied by a select group of individuals who hold significant roles within the SU.
Hinigpitan ko ang hawak kong bulaklak. The vibrant blue-green carnations commanding attention. Habang papalapit siya ay nakatingin lang ako sa mga bulaklak na hawak ko.
"Ehem" she cleared her throat para kunin ang attention ko. I lowered my gaze, and there, in front of me, were her heels.
Lifting my eyes to meet hers, I found her gaze fixed on me. Nakataas ang kilay niyang nakatingin sa akin. Returning her gaze with a warm smile, I extended the flower in my hand towards her.
"Congratulations Miss Fuentes" nakangiti kong bati sa kanya nang maibigay ko na ang bulaklak na hawak ko. Nanatiling nakataas ang kilay niya sa akin at kulang nalang ay irapan na ako.
"Thank you" malamig na sabi niya. Ang tagal ko siyang hindi nakita, may nagbago rin sa kanya na kapansin-pansin, ang tattoo niya na nasa bandang parte ng kanyang siko.
"Namiss din kita" bulong ko nang lumapit siya sa akin at besohin ako sa pisngi. Hindi naman niya ako pinansin at nagroll-eyes ito sa akin.
What's wrong with her?
Isang buwan kaming hindi nagkita kaya nakakapagtaka lang na magsungit siya sa akin ngayon lalo na sa harapan pa ng maraming estudyante.
Hindi ko nalang iyon pinansin at humarap nalang sa mga estudyante at ngumiti.
Matapos ang ilang oras nang pagtayo ko ay nairaos na rin ang kaganapan.
"Gov, saan yung mga papel na ipapasa kay Miss Monica?" Tanong ni Elcine habang may hawak pa na ibang papel at tinitingnan pa ang mga ito. Napakasipag talaga niya, halos lahat yata ng trabaho ng governor ay siya na ang sumasalo. Dapat siya nalang ang governor, dinaig pa ang sipag ng karamihan sa student council.
"Mahal naming governor, later daw ay may meeting. Ikaw nalang ang gumawa ng announcement sabi ni Miss Monica" sabat naman ni Xavier habang tinutulungan ang mga university staff na magligpit sa stage.
"Dapat talaga si Kristen ang mag-announce, publicity and communication officer siya oh" medyo may authoridad na sabi ni Elcine
"Of course, I'm about to suggest that to Louize naunahan mo lang talaga ako" banat naman ni Kristen
Umiling-iling nalang ako at binilang ang hawak kong papel, sinisigurado ko ito para walang palpak kapag nakita ni Miss Monica. Sobrang busy din ni Miss Monica kaya ayokong dumagdag pa ito sa mga aasikasuhin niya.
"Ito na ba lahat Gov?"
"Pakicheck nalang ulit bago mo ipasa kay Miss Monica" sabi ko kay Elcine
"Una na ako sa inyo sa office niya ha" tumango naman ako at tumingin ako sa babaeng pinagkakaguluhan ng mga ibang businessman na dumalo para sa event
"Congratulations" kahit na tapos na ang event ay patuloy pa rin ang mga bati na natatanggap niya. Patuloy din ang pagbibigay niya nang malalaki at nakakahawang ngiti.
Nang makita ako ay ako na ang kusang lumapit sa kanya. Nag-umpisa na ring umalis ang mga taong kausap niya.
"Bumalik ka lang, nagsungit kana" sabi ko sa kanya nang lapitan niya ako
BINABASA MO ANG
The Scent of an Orris
RomanceThis is a GL and a professorxstudent relationship. If you are not comfortable reading it, then skip it. TAGLISH