"Congratulations Louize"
"Thank you, congratulations din sayo"
"Akala ko hindi kana sasali" tanong ni Jayson, tulad ko nakapasok din siya sa final. Out of 20 competitors naging 6 nalang kami, and next week ang final round para kumuha ng 2 student na magrerepresent ng school namin
"Nagbago yung isip ko" sagot ko sa kanya
"Good for you, I am looking forward na magreview kasama ka" sabi naman niyang nakangiti
"Don't expect too much Jayson, malay mo ikaw lang ang makuha tapos ako hindi" biro ko naman sa kanya
"Hindi ako manghuhula pero feeling ko isa ka sa magiging representative ng school"
"I hope so" sabi ko naman sa kanya. Matalino talaga si Jayson, yung kahit na basahin niya lang ng isang beses yung books agad niyang maaalala kaya expect kona na siya ang magiging representative tulad last year
"Fern!" Tawag sa akin ni Ally, akala ko hindi sila nanood dahil may subject kami ngayon
"Congrats Bitch" bati ni Tracy sa akin nang makalapit sila at binigay ang gitara na pinahawak ko sa kanya kanina "Kamusta pakiramdam mo?"
"Okay lang naman, thank you sa pagsama sa akin sa clinic" hindi ko alam kung sinong sumama sa akin sa clinic kahapon kaya nagpathank you ako. Nakita ko rin naman siya noong kausap niya si Ma'am Rayi kahapon
"Sana all nabuhat ng isang Kim Xander" sabi niya na para bang kinikilig pa
"Kim Xander?"
"Yung landscape architect na sikat, kaya pala siya nandito dahil may project siya sa school next month" paliwanag ni Ally sa akin. Ako lang yata yung hindi nakakakilala sa kanya
"Grabe mabait din pala si Ma'am Rayi no" sabi naman ni Tracy sa akin
"True, hindi ko nga expect na siya ang hahawak sa cold compress mo kahapon"
"Grabe pa mang-interview sa akin kahapon, matatae na ako sa kaba"
"What? Ano? Hindi ko alam" sunod-sunod ko tanong sa kanila
"Tanga natural nahimatay ka" dahil sa sagot ni Tracy ay hinarap ko si Ally para siya na ang sumagot sa mga tanong ko, minsan talaga wala akong makuhang maayos na sagot sa kanya
"Noong dinala ka sa clinic, siya ang humawak ng cold compress mo dahil may pasok kami noon sa next subject natin after PE. Ayaw niyang mag-absent or malate kami kaya siya ang umalalay sayo" Gusto kong ngumiti pero baka isipin ng mga kaibigan ko na baliw ako
Ayaw kong maniwala na magagawa iyon ni Ma'am Rayi, nagiging to see is to believe na ako minsan dahil sa kanya
"True, tapos pagbalik namin sa clinic nandoon pa rin siya at doon niya na ako ininterview" sabi ni Tracy
"Anong tinanong niya?" Curious kong tanong sa kanya
"Tinanong niya kung.." huminto siya saglit at tumingin sa akin
"Kung?"
"Kung bakit ang ganda at sexy ko" naparoll eyes nalang ako dahil sa biro niya, wala talaga 'tong kwentang kausap "Joke lang, hindi kona maalala. Sobrang kaba ko kasi kahapon habang tinatanong ako kaya walang pumasok sa isip ko" paliwanag naman niya
"Tara na nga maglunch na tayo" aya ko sa kanila at naglakad na kami papunta sa cafeteria
"Anong oras ka mag-a-adition?" Tanong ni Ally bago sumubo ng pagkain
BINABASA MO ANG
The Scent of an Orris
RomanceThis is a GL and a professorxstudent relationship. If you are not comfortable reading it, then skip it. TAGLISH