Chapter 5

6.6K 177 32
                                    

"Diyan ka lang ha, masyado kang mahal para mabasag" mukha akong tanga dito dahil kinausap ko yung flower vase na tinago ko muna sa locker ko. Pagdating na pagdating ko sa school ay dito ako dumiretso sa locker para maitago ko ito. Balikan ko nalang mamaya para ibigay kay Ma'am Rayi

"Nakita kita kagabi" muntik konang mabitawan yung phone ko na kakakuha ko lang sa locker nang magsalita ang lalakeng 'to

"Ano ba Kael! Huwag ka ngang manggulat!" Inis na baling ko sa kanya

"I saw you with Vin" nakita ko naman yung mata niya na parang may konting galit nang banggitin niya si kuya Vin

"Ano naman ngayon?"

"Iwasan mo siya, sinasabi ko ngayon palang" medyo nanibago lang ako kasi ang seryoso niya ngayon at hindi ako sanay na ganon siya

"Bakit anong problema mo sa kanya?"

"Kung ayaw mong masaktan iwasan mo na siya" seryoso pa rin siya hanggang ngayon at wala akong ginawa kung hindi tumingin lang sa kanya at nag-iwas naman siya ng tingin "Una na ako hahaha huwag kang maweirduhan sa akin. Gusto lang kitang asarin" huling sabi niya at umalis na. Joke ba 'yon? Kasi kung oo ang corny niya. Bakit ba siya napapadpad sa building namin?

From: Unknown number

Louize, how's your car?
May sasakyan kaba
mamayang pag-uwi mo?

-Vin

Gusto kong suntukin yung locker ko dahil sa kilig na nararamdaman ko ngayon. Paano ba niya nakuha ang number ko? Napakagat labi tuloy ako at sa tingin ko ay buo na agad ang araw ko.

Inaayos pa po, nagpahatid
lang ako sa driver namin


Hindi pa kasi nagawa at ayoko namang gamitin ang mga kotse sa bahay dahil gusto ko pa rin yung kotse ko

I will drive you home,
sakto may dadaanan
din ako malapit sa inyo

Napatili ako at napatalon ako ng kaunti sa nabasa ko. Iniimagine ko kaming dalawa lang sa kotse tapos ang music sa stereo ay 'your love' baka himatayin ako sa kilig

Sir makikisabay nalang
ako kay Tracy, classmate ko


Syempre nakakahiya, gusto kong igrab yung opportunity pero nagdadalawang isip ako dahil may asawa na siya

I insist

Sinampal sampal ko ang noo ko para makasiguradong hindi ako nananaginip

Tracy
Hoy asan kana, nandito na si Sir

Pagkabasa ko sa chat ni Tracy ay agad akong naglakad nang mabilis papunta sa room habang inaayos ang sling bag ko

"Louize, pwede ba tayong mag-usap?"

"Wala tayong pag-uusapan Dylan"

"Please Louize, i want to be your friend again"

"Ano ba bitawan mo nga ako" medyo nainis ako dahil nagmamadali na nga ako tapos sumulpot pa itong lalakeng ito "May pasok pa ako ano ba" ayaw talaga niya akong bitawan bwisit. Gusto ko ulit siyang suntukin sa mukha

"Didn't you hear what she said?" Bigla naman niya akong binitawan at natahimik ako

"Ma'am i am so-"

"Mister Tan and Miss Leofonzo I am feeling annoyed and frustrated by the noise you are making while I am having a discussion, and it seems that you are unaware that your actions are causing a disturbance" Bakit pati ako? Ako na naman ang nakita niya. Nakakainis kasi itong lalakeng ito. Nadagdagan na naman ang bad impression ni Ma'am Rayi sa akin

The Scent of an OrrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon