"Tanginang hardpoint ito, hindi makapuntos" kulang nalang ay ibalibag ni Tracy ang ipad niya, inis na inis at minsan ay gusto pang suntukin ang screen.
"My love, okay lang iyan. Ganyan talaga, minsan panalo minsan talo" napatingin ako kay Kenzo na hawak din ang ipad niya, mukhang magkakampi ang dalawang ito.
"Anong okay? My gosh! Hindi ka pwedeng kumampi sa akin kapag may livestream ako" ibinagsak ni Tracy ang hawak niyang ipad at kinuha ang phone.
Inayos ko ang pagkakaupo ko habang hinihintay ang bagong professor sa isang subject namin na architectural comprehensive course. Sabi ng admin noong minsan ay ngayon ang dating pero 15 minutes na ang lumilipas ay wala pa ring pumapasok sa room namin.
Matutulog na muna sana ako nang pumasok si Charlotte.
"Good morning, Miss Suarez" bati ko sa kanya, binati rin naman siya ng mga kaklase ko kaya nanahimik ang buong classroom.
Saglit itong tumingin sa buong paligid at tumigil ang mata niya sa right side ko kaya napatingin din ako sa kanya.
"Ibaba mo" bulong ko sa katabi ko at pilit na ibinababa ang ipad niya.
Naging professor namin si Charlotte last year sa interior design namin, she had a zero-tolerance policy when it came to phones and tablets in class. She believed that those distractions were the enemy of creativity and focus.
Naningkit ang mga mata ni Charlotte, tumaas din ang kilay niya kaya ako na ang nagbaba sa ipad ni Tracy. Kung hindi ko naibaba iyon sa tamang oras, we'd all be subjected to another one of Charlotte's infamous lectures. And no one wanted that.
"The mayor didn't even greet me, wow" she said and her voice dripping with sarcasm. Her eyes narrowed, and she crossed her arms, mukhang na-offend dahil sa asta ni Tracy.
Hindi na talaga natuto ang kaibigan ko. Ang hirap niyang ipagtanggol sa kalokohan niya, kahit na pinsan ko si Charlotte ay nahihirapan akong pakiusapin siya.
"Good morning, Miss Suarez" her voice dripping with a playful, almost mocking tone. Mukhang iniinis niya si Charlotte dahil talagang idiniin niya ang "Miss Suarez" in a way that felt slightly out of place.
"Good morning class" she said, her voice calm and authoritative "Today I'm with your professor for the architecture comprehensive course." akala ko ay siya na ang magiging professor namin sa subject na iyon pero hindi pala.
"Morning" kahit na hindi ako nakatingin sa bagong pasok na professor ay alam na alam ko ang boses niya. Almost two years have passed since I last seen her, but her voice was as familiar as my own heartbeat.
Inaamin ko sobrang laki ng epekto noong nakita ko siya sa event. Akala ko nga ay nakalimutan ko na ang boses niya pero nagkamali ako.
"Good morning Ma'am" pagkatapos ng bating iyon ay ramdam ko ang pananahimik ng mga kaklase ko nang makita siya, ako naman ay nanatiling nakatingin sa table ko.
"I am your permanent professor for architectural comprehensive course" napapikit ako at napasapo sa ulo ko nang marinig iyon. Professor ko na naman siya at hindi maiiwasang makita siya.
Gusto ko siyang bumalik....dati.
Nagcutting class din ako para lang abangan siya sa Grand IE, sa cafe at sa office niya. Pero ngayon ay hindi na, I don't have this feeling na excited siyang makita. I mean may excitement but not that much. I don't know, it's confusing. Maybe I'm just tired, maybe I'm just not in the mood.
"Miss Shigeno, I will leave you here"
My eyes traced the lines of her figure, noticing how she had changed since I last saw her. Pumayat talaga siya. She'd also wearing a turtleneck sweater. Mas mahaba ang buhok niya kumpara dati. The changes were subtle and it could barely notice the changes at first.
BINABASA MO ANG
The Scent of an Orris
Lãng mạnThis is a GL and a professorxstudent relationship. If you are not comfortable reading it, then skip it. TAGLISH