Chapter 37

8.2K 184 64
                                    

"Mom, I'm telling the truth"

"Misis Leo-"

"Please call me Tita Emily. Nasa bahay lang naman tayo, there's no need to be formal"

"T-Tita Emily, actually, she's improving. Nag-improve po lahat ng subjects niya and she's also managing to train for taekwondo simultaneously"

"So why are you here? Is Fiona bothering you?" My mom asked, her gaze shifting back and forth between Miss Shannon and Fiona

Ma'am Shannon cleared her throat and her eyes darting around the room before settling on my mother

"I am here to-"

"Mommy, didn't I tell you she's tutoring me?" she blurted out, her words tumbling out in a rush

Nandito kami ngayon sa penthouse ni Fiona, bigla akong niyaya ni mommy na puntahan siya dahil nabalitaan niya sa secretary niya na laging wala sa bahay si Fiona. Dahil nag-aalala si Mommy, pumunta siya sa penthouse ni Fiona ng walang pasabi

Nabigla rin ako nang datnan namin si Ma'am Shannon sa loob, akala ko kasi si Fiona lang ang nandito. Ngayon ko lang din nalaman na tinututor pala niya si Fiona. It seemed a bit odd, considering it was already 9pm and she was still here

Grabeng overtime niya, mukhang matigas ang ulo ni Fiona

"Iha, hindi ba matigas ang ulo ni Fiona?" Tanong ulit ni mommy

"Matigas po" diretsong sabi ni Ma'am Shannon

"You're lying Shannon!" medyo naiinis na sabi ni Fiona

"Fiona! You're losing respect for your professor and trainer" paalala ni mommy. Kahit ako ay nabigla rin, tinawag lang niyang Shannon ang professor niya

Tiningnan ko naman si Ma'am Shannon, nakangiti lang ito habang nakatingin kay Fiona habang ang kapatid ko naman ay nakakunot ang mga kilay niya

"Misis Leo-, i mean Tita Emily. Mauuna napo ako" paalam ni Ma'am Shannon

"Ma'am Shannon, I want to invite you to my birthday next month. It's my way of expressing my gratitude for tutoring Fiona" pag-aaya ni mommy, hindi kaagad nakasagot si Ma'am Shannon na para bang nag-aalangan siya "Come on, Iha minsan lang ako magbirthday"

"Okay po Tita, pupunta po ako"

"Salamat sa pagbabantay kay Fiona, mag-iingat ka sa pag-uwi mo" paalam ni Mommy, ngumiti naman si Ma'am Shannon bago niya buksan ang pinto

Nang makalabas na ang professor ng kapatid ko ay tumingin si mommy kay Fiona at nag-iwas naman siya ng tingin

"Fiona, what is-"

"Mommy inaantok na ako" biglang sabat ni Fiona

"We need to talk" sabi naman ni Mommy

"Mom, manonood muna ako ng TV" sabi ko sa kanya, tumango naman siya. Alam ko kasing kailangan nilang mag-usap dalawa tungkol sa madalas na pag-uwi ni Fiona dito

Tiningnan ko muna si Fiona bago ako tumalikod, kinakabahan siya na parang natatae dahil nagpapawis ito

She's acting weird. Pero hindi ko nalang iyon pinansin

Pagkaupo ko palang sa sofa sa living area ay agad kong kinuha ang phone ko. With a quick swipe, I unlocked the screen and eagerly composed a message to her.

I need to tell you something

Pagkasend ko palang sa message ko ay nakangiti na ako

The Scent of an OrrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon