Chapter 11

6.6K 177 97
                                    

"Sabi nila sa monday pa kayo papasok" tanong sa akin ni Allly

"Tangina mo naisipan mopang pumasok ngayon?" Bungad naman ni Tracy sa akin

Tapos na silang maglunch at naabutan ko sila sa cafeteria. Actually sa monday na dapat ako papasok dahil dumating lang kami kaninang madaling araw at binigay ng university ang araw na ito as a rest day. Pero pumasok pa rin ako kasi nalaman ko papasok pala si Ma'am Rayi.

Ayoko lang magkaabsent sa kanya

"Namiss ko kayo eh" sabi ko naman sa kanila. Wala akong masyadong tulog dahil 1am yata kami nagbiyahe kanina

"Hindi mo nga pinapansin ang mga chat namin sa'yo" pagtatampo ni Tracy

"Medyo busy lang ako, ang dami kasi naming ginagawa doon" pagpapaliwanag ko naman. Doon sa gc naming tatlo ay hindi kopa nabubuksan hanggang ngayon kaya hindi ko alam kung anong pangyayari ngayon

Hindi rin ako masyadong humahawak ng cellphone noong nasa Cebu kami kaya hindi kopa masyadong nakikita ang mga messages sa inbox ko

"Nakita namin yung performance niyo ni Ma'am Rayi" nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig ko

"Ang galing mo Fern, hindi ko naisip na sasayaw ka kasama si Ma'am Rayi. Congratulations!" Bati sa akin ni Ally na may pagkamangha

"Wait! Kanino niyo nalaman yan?!"

"Hay nako Louize may nagvideo tapos nakarating sa amin 'yon"

Ma'am Rayi is a person who places a high level of importance on maintaining her privacy and being discreet in her interactions with others

I'm worried that my professor might not be okay or may be uncomfortable with the idea of being filmed or having her personal life exposed to the public and may be reacting negatively to the video

"Bakit hindi niyo sinabi sa akin?"

"Sakalin kita diyan eh, ikaw kaya yung hindi pumapansin sa mga chat namin" nakalimutan ko nga pala na hindi kopa nabubuksan yung group chat namin. Nang makuha ko ang phone ko sa bag at handa na sanang magbasa ay bigla naman nagsalita si Jason

"Punta na raw tayo sa event hall" sabi niya  na nasa cafeteria din pala

"Anong meron?" Tanong ko sa dalawa

"Papakilala raw yung anak nung president tsaka yung apo"

"Kilala naman na natin yung apo niya, si Kuya Vin 'yon diba?" Every year yata nagkakaroon ng asembly para ipakilala si Kuya Vin, hindi ko alam bakit ginagawa ito every year

"Pero yung anak nung president, father ni kuya Vin hindi pa natin kilala" every year na pinapakilala si Kuya Vin, siya lang yung nandoon at hindi ko alam kung bakit apo lang ni President ang pinapakilala sa amin

"Balita ko kasama na siya this time tapos ipapakilala na rin yata yung manugang, asawa ni kuya Vin" kahit naglalakad na kami papunta sa event hall hindi ko naiwasang mapatingin ako kay Ally sa sinabi niya

"Asawa? Sino?" Tanong ko sa kanya

"Huwag kang mabibigla ha, diba hindi natin alam yung surname ni Sir Vin? Akala nga natin dati Vin yung surname niya and Haru and first name" napatango ako sa pagpapaliwanag niya, kapag pinapakilala siya puro Haru Vin lang ang sinasabi. Pati sa mga documents ay ganoon din ang nakalagay kaya akala namin noong una ay Vin ang ang apelyido niya

"Shigeno ang surname ni kuya Vin" nanlaki ang mata ko at napatigil sa paglalakad

Shigeno

"Tangina Louize, naisip mo ba yung naisip ko?" Sabi ni Tracy na napatigil din sa paglalakad

The Scent of an OrrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon