Chapter 24

6.4K 177 164
                                    

"Good morning Louize Babe!" Bati ni ate Ley sa akin "Omg! Hindi ka natulog?" Tanong niya, nahalata yata ang eye bags ko.

Hindi kasi ako nakatulog magdamag dahil sa nangyari kagabi

"Kulang lang ng tulog, anong oras daw tayo uuwi?" Tanong ko, gusto kona talagang umuwi kagabi pero sa schedule na binigay ng University namin ay ngayong araw dapat makabalik kami sa university

"After lunch pa raw" sagot niya sa akin habang hawak ng isang kamay niya ang tiyan niya

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya dahil parang nanlalambot din siya

"Sumasakit kasi ang tiyan ko" sagot naman niya sa akin

"Edi pahinga ka muna diyan"

"Hindi pwede, may lakad kami ni Ma'am Rayi ngayon. Kailangan ko siyang tulungan" sabi niya habang matamlay na inihahanda ang susuotin niyang damit

"Saan kayo pupunta?"

"Sa municipal office of architecture and engineering"

"Anong oras?"

"Mamayang 8:30, pagkatapos nating magbreakfast" matamlay na sagot niya

Gusto ko siyang tulungan pero nag-aalinlangan ako dahil sa nangyari kagabi. Hindi ko alam kung magsisisi ba ako sa ginawa ko o magiging masaya ako dahil nakapagconfess na rin ako.

Habang tinitingnan ko si Ate Ley, nakokonsenya naman ako kung hindi ko siya tutulungan

"Pahinga kana muna, ako nalang tutulong kay Ma'am Rayi" sabi ko sa kanya, nagliwanag naman ang mata niya at lumapit sa akin

"Ako na Louize, okay lang sa akin" matamlay na sagot niya habang kinukuha ang tuwalya

"Ako na nga, magpahinga ka muna diyan" pagpipigil ko sa kanyang pumasok sa bathroom

"Kulang ka sa tulog, you deserve more rest"

"Ate An-Ley, ako na nga" at last kinuha ko ang towel niya

"Ikaw lang talaga ang nakikita kong student na gustong-gustong makasama si Miss Perfectionist" alam kona agad kung sinong Miss Perfectionist ang tinutukoy niya

"I'm doing this to help you" sabi ko naman sa kanya

"Really?" Sabi niya at nagsmirk muna siya bago tumalikod "Osige na maligo kana, ikaw na ang sumama kay Ma'am"

"Ligo well" sabi pa nito bago humiga sa kama

Naligo naman ako at nagsuot ng cargo pants at plain beige shirt. Akala ko pagkatapos kong maligo ay mahihimasmasan ako sa nararamdaman ko, mali pala. Dahil habang papalapit nang papalapit ang oras, makakasama ko na naman ang professor ko

"Ganda mo talaga kahit anong suotin mo"  bungad ni ate Ley paglabas ko sa bathroom "Pero mas maganda kung maghanging croptop ka, ito ito oh dali suotin mona" sabi niya at binigay ang hanging croptop na nasa kama namin, nakalabas ito sa bag ko at isa ito sa mga pinagpipilian kong isuot kanina

"Ate Ley, office of municipality 'yon, baka mapagalitan ako ni Misis Rayi kapag sinuot ko 'yan" sa sinabi kong iyon at humalakhak siya na para bang wala ng bukas

"Really Louize? Naniniwala ka doon?" Tanong niya habang tumatawa, nawala na yata ang sakit ng tiyan niya

"Gusto kasi ni Ma'am disente laging manamit, tingnan mo nga siya laging professional kung pumili ng susuotin" paliwanag ko sa kanya

The Scent of an OrrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon