"Louize bigay mo raw 'to kay Ma'am Rayi" utos ni Kuya Miggy sa akin.
Nandito na kami sa auditorium kung saan gaganapin ang seminar, if i am not mistaken hanggang 6pm ang nasa program, 1:00 pm naman ang start at 12:30 pm palang ngayon kaya naghihintay kami dito, gusto kasi ni Ma'am ay maaga na kaming nakapwesto at ayaw niyang late. Ganoon siya kaperfect. Dalawang beses din niya pinacheck yung attendance namin buti nalang walang absent kung hindi baka maging dragon na naman siya. Buti nalang din swerte ako at gumaling agad ang paa ko, may pain pa rin naman but i can tolerate it.
Nasa gitnang parte kami ng auditorium at kailangan kong pumunta sa harap para ibigay ito kay Ma'am Rayi. Ang mga nasa harap ay mga student council advisor mula sa iba't-ibang university, kami namang mga estudyante ay nasa bandang gitna.
"Ma'am, pinapabigay po ni-"
"Hold it" sagot niya habang nakatingin sa laptop niya. Simula kaninang nasa eroplano at bus kami ay nakahawak ito sa ipad niya, ngayon naman ay nakahawak sa laptop
"Louize, ano yang hawak mo?" Tanong ni Ma'am Wendy. Assistant advisor siya ni Ma'am Rayi kaya kasama namin siya ngayon
"Hindi kopo alam, pinapabigay lang po ni kuya Miggy kay Ma'am Rayi"
"Patingin nga" binigay ko naman kay kay Wendy at binasa ang nasa papel
"Rayi, isa ka pala sa mga speaker ngayon? Muntik konang makalimutan na isa kang kilalang Architect sa Europe" napatingin naman ako kay Ma'am Rayi, busy pa rin siya sa laptop niya. Saglit ko itong sinilip at gumagawa siya ng presentation niya
"Yes, I was given a familiar topic earlier because one of the speakers had to leave urgently" paliwanag niya habang busy pa rin sa paggawa. Tutok na tutok siya dahil ilang oras lang pala ang binigay na oras sa kanya for preparation
"Iba talaga ang isang Rayi Shigeno"
"Ma'am, gusto niyo pong tubig?" Tanong ko sa kanya, pero wala siyang sagot
"Oo Louize, kuha mo na kami ng tubig" buti nalang talaga nandito si Ma'am Wendy at hindi ako nagmumukhang tanga kakausap sa hangin
Pumunta ako doon sa event coordinator at nagrequest ng dalawang bottled water. Pagkakuha ko ng tubig ay agad din naman akong naglakad papunta sa pwesto nina Ma'am Rayi.
"Can i have one?" Nabigla ako nang humingi ang babaeng nakaupo sa gilid, akala ko ay may kausap na ibang tao kaya tumingin pa ako sa paligid ko kung ako ba ang kinakausap niya
"Excuse me, hindi ako utusan dito" Medyo masungit kong sabi sa kanya. Sa ganda kong ito napagkamalan pa akong utusan.
"Easy, i'm just kidding. What's your name?" Tumayo siya sa upuan niya at lumapit sa akin. Sa tingin ko ay tulad ko rin siyang estudyante dahil nakasuot itong uniform pero hindi ko alam kung saang university siya "Hmm Ferniza Louize Leofonzo" basa niya sa ID ko. Hindi ko naman matakpan dahil may hawak ang dalawa kong kamay "I am Camille Joy, CJ for short" nilahad naman niya ang kamay niya sa akin at medyo natawa siya nang marealize na may hawak ang dalawa kong kamay
"You can call me Louize" sabi ko namang nakangiti. Mukha naman siyang friendly kaya nagsmile na ako. Ang ganda rin niya kaya medyo nahiya ako dahil baka mukhang hampas lupa ang itsura ko ngayon
"You know what i like you"
"Excuse me?" Tanong ko dito dahil masyado siyang direct to the point
"I said i like you, i want to be your friend"
"I'm sorry, but I don't make friends with random people or strangers" sabi ko sa kanya, gusto kona sanang umalis sa harapan niya at pumunta na sa pwesto kung saan sina Ma'am Rayi pero ayoko namang maoffend siya dahil mukha naman siyang mabait
