Prologue

109 15 11
                                    

May mga araw kung saan wala akong ninanais mangyari kundi maglaho na lamang, lalo na kung naiiwan akong mag-isa, at ang tanging kalaguyo ay ang boses na ako lamang ang nakaririnig. 

Tulad nalang ng oras na ito. Wala si Kenzie para mapuno ang katahimikan ng hapon. Mabuti at mukhang walang gana ang mga kaklase kong mangulit, kaya nagkaroon pa ako ng pagkakataong panoorin ang pabago-bagong kulay ng kalangitan habang hinihintay na tumunog ang bell sa huling pagkakataon ngayong araw. 

I hid my shaking hands inside my large hoodie, wishing for tiredness to overtake my system, but I was met with disappointment. Marahil ay kinakabahan ako kaya hindi ako makapagpahinga. Kinakabahan para sa sarili ko, na baka sakaling may mangyaring masama kung pagbibigyan kong mamayani ang aking pagod. Sleep won't save you, said the voice, and nothing will. Maybe it was right, as sleep never came.

He did.

Nagising ang diwa ko at napabalikwas nang may naramdaman akong malamig na idinikit sa pisingi ko. Bago ko masiko ang lalaking akala ko ay si Zeus ay yumuko si Novah para magpantay ang mga mata namin. As if on cue, the voice stopped its torment, and my view of the sky was shamelessly replaced by his face. Ganoon pa rin—maamo, malumanay, at may tinatagong damdaming hindi ko maintindihan. May hawak siyang malamig na bote ng tubig sa isang kamay at ang ballpen ko sa kabila.

Alam kong makatuliro na naman ako nito, ngunit parang may sariling pag-iisip ang katawan ko nang dumating ang binata. Kusa nitong tinanggal ang maskarang suot buong araw at tuluyan nang bumigay, ipinapakita ang aking pagkatamlay nang walang bahid ng ilusyong ayos lang ang lahat, dahil hindi. Novah's presence seemed to say, that's okay. You can be vulnerable with me around.

Hindi ko ito nagustuhan. Hindi ko ito pwedeng magustuhan.

At mas lalong hindi ko nagustuhan kung paano ako nakaisip ng tugon sa mga salita niyang walang katiyakan kung totoo dahil naisip ko lamang. Parati kang dumarating sa tamang panahon, sa tamang tiyempo, naririnig kong sinasabi ko, kahit sa imahinasyon lamang. Somehow, you appear just when I'm about to get lost in the midst of my growing sadness. Nawawala ang boses, ang ingay ng mundo, at ang mapait na kinabukasan sa reyalidad ko dahil dumating ka.

At dumating ka para manatili.

Grape Juice (By the Border, #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon