7

12 3 0
                                    

It wasn't the alarm clock that woke me up.

"Wesley!" Rinig na rinig ang malakas na boses ni Mama mula sa kwarto ko. Saglit akong nag-unat at napahilamos sa mukha. Hindi pa tuluyang gising ang diwa ko.

"Anong—"

"Wala pa tayong almusal! Tumayo ka d'yan at bumili sa labas kung wala kang planong magluto," putol niya at tuluying tinaboy ang antok ko. "At dumaan ka sa pharmacy. Wala na akong sleeping pills."

Oh.

I was so preoccupied by last day's events that I forgot about today.

"Sige, Ma," sigaw ko pabalik.

Dali-dali akong napaangat sa kama at agad na nagsisi nang makaramdam ako ng hilo, kaya napaupo ako habang minamasahe ang aking mga templo. Hindi ko magawang magtagal kahit masama ang pakiramdam ko dahil iritable ang kasama ko sa bahay. It was always like this, especially after a bad, unresolved problem at work the night before. Mas maagang masanay sa ugali ni Mama, mas tahimik ang bahay. Stumbling towards the door, I opened it and was welcomed by a few crumpled bills scattered on the floor.

Pinili kong mamayani ang lohika at katahimikan ngayong umaga, kaya imbes na sumpain ang mga inosenteng perang papel sa lapag ay walang imik ko silang pinulot at ibinulsa. Matapos ay naghanap ako ng jacket na masusuot. Mukhang mahangin sa labas dahil dumungaw ako sa bintana at nakita ang sumasayaw na mga dahon ng puno malapit sa kwarto ko. Then I counted the money, deciding to buy a decent meal for four at Savory, a fast food chain that sold meals at a suspiciously cheap price, though I wouldn't complain about that.

Trenta minutos ang lakad patungo sa restawran. By the time I arrived, my limbs hurt, my throat begged for water, and my palms adorned a layer of sweat. Wala pang isang oras ngunit mabilis na nagpaalam ang malamig na simoy ng hangin. Hinubad ko na ang suot kong jacket dahil parang niluluto ang katawan ko. Mabuti nalang at kaunti ang mga kasabay kong customer kaya hindi ako natagalan um-order. I ordered four meals and a vanilla ice cream on a cone to fight the increasing heat.

Pero hindi ako umuwi kaagad. Now wasn't the right time. Hindi pa rin humuhupa ang inis ko kay Mama.

Naisipan kong pumunta sa park na katabi lamang ng Savory. Hindi ko pa nakakalahati ang sorbetes ngunit bahagyang tunaw na ito dahil sa init ng panahon. I sat on a bench beside a large tree that covered its entirety. I allowed myself to breathe for a few minutes, completely free from restraint, the negative thoughts about mom flying away, with a promise to only come back once I'd decided to return home. Hahayaan ko muna ang sarili kong magpahinga rito sa silong, kahit ilang sandali lamang.

Then he caught my attention. Of course he did.

Muntik na akong malampasan ni Novah kung mabilis ang paglakad niya. I wasn't even sure if his pace could pass as walking. He approached me instead of continuing whatever his agenda was, an excited smile masking his tiredness. Base sa hulas niyang hitsura, kailangan niyang habuin ang kaniyang hininga, kaya umurong ako sa kinauupuan para mabigyan siya ng espasyo.

"It's seven minutes to 10 AM and I suppose you...haven't eaten?" He pointed at the large bag of takeout. "Brunch mo ba 'yan?"

Nagkibit-balikat ako at tumuloy sa pagkain ng sorbetes. "I received a damn earful as soon as I woke up. Pinaalis kaagad ako para bumili ng pagkain kasi hindi ako nakaluto kagabi."

"You look tired, Wes."

Tinunguan ko siya at pumikit, matapos ay sumandal para makanakaw pa ng ilang sandaling pahinga. My feet tapped against the grassy path before I spoke again. "You jog every weekend?"

"Hindi naman." Mahina siyang tumawa. "I just...walk."

"Grabe naman 'yang pagod mo kung naglalakad ka lang," komento ko. Novah's chest was heaving, and he struggled to formulate the right words to say. I probably wasn't helping him by dragging the conversation.

Grape Juice (By the Border, #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon