Nadia Elara
I've never thought this school year is a mess. Paano ba naman kasi unang araw ng pasok tapos late kaagad ako bwiset.
"Ayan kasi Nadia puyat ka ng puyat tapos sisisihin mo ako na late ka sa unang araw ng pasukan mo ha" inis na sabi sakin ni mama.
Tsk! kasalanan naman niya talaga eehhh sabi ko matutulog ako ng 5 minutes pa, after 5 minutes hindi ako ginising mygod!
"Oh eto na baon mo, makipag kaibigan ka sa bagong school mo ah Nadia.. wala ka pang nagiging kaibigan simula elementary at high school ka, senior high ka na" nag rarap nanaman si mama hays.
"Oo na mama.. ma le-late na ako eh, aalis na ako byee love youu" saad ko at hinalikan ito sa pisngi.
Kinuha ko na ang baon na inihanda sakin ni mama at lumabas na ako ng bahay at baka di na ako maka abot sa first class ko.
I get in my car and start driving. Kung minamalas nga naman oh! traffic pa! kainis talagaa arrghhh.
Buti na lang malapit lang ang school sa amin at medyo umuusad naman ang mga sasakyan makaka abot pa siguro ako sa first class ko.
Unang araw ng pasukan wala kaagad ako sa mood, kairita talaga.
Buti na lang ay kaagad akong nakadating sa school. Nag park muna ako bago tumakbo papunta sa room.
Tumigil ako sa pagtakbo kasi na realize ko na hindi ko pala alam yung daan kung saan yung room ko.
Naiiyak na lang ako sa katangahan ko kasi transfer student pala ako bwisettt (╥_╥).
Naglakad lakad ako at pinagmasdan na lang ang bago kong school.
Maganda naman.. hmm okay naman, ayoko na isa isahin may school naman siguro kayo alam niyo na yon hehe joke.
Nasa parang circle ako hindi ko alam asan ba ako bwiset talaga. Nakakainis pumasok na lang ako sa building at hinanap ang section ko.
After how many years nahanap ko din ang room ko, napabuntong hininga na lang ako sa pagod kasi nasa 3rd floor pa ang room ko and guess what.. syempre nilakad ko yon.
I took a deep breathe bago kumatok sa room.
*/knock knock* (oh pinto yan wag ka tumawa)
Pinagbuksan ako ng pinto ng isang magandang teacher pero mukhang masungit ekis sakin to.
"Who are you? is this your room? And if this is your room, why are you late in my class?" sunod sunod na tanong niya, napaka sungit ampotek.
"I'm sorry miss, because I'm a transfer student, I don't know where my room is so I got lost" I explained to her.
"Ohh okay you may com-" naputol ang kanyang sasabihin ng may biglang sumulpot sa tabi ko.
"Sorry miss, i'm late" sabi niya habang hinihingal.
Tinarayan lang siya ni miss at tumalikod na siya "Pumasok na kayo" pahabol niyang sabi kaya pumasok na kami dahil mukhang masungit talaga ito.
Umupo na ang babaeng nakasabay kong pumasok sa room at ako eto nakatayo sa harapan dahil wala pa akong pwesto.
"Introduce your self first miss hm what is your surname?" my adviser said.

YOU ARE READING
Hidden Feelings
Teen FictionHidden Feelings is a forbidden love about two women. This girl Nadia Elara has a sudden feelings for this girl but she can't admit it. She's scared to face the reality of what would happen when she confesses it even she knows that it's forbidden lov...