Nadia Elara
Napagising ako dahil sa ingay nina kuya Rade at kuya Kade.
Sinubukan kong imulat ang mga mata ko nakakasilaw sobrang liwanag sa kwarto na to.
Nasaan ba ako?
"Nads?"
"Nadia? Gising ka na?"
"Okay ka lang ba Nadia?"
"Anong nararamdaman mo?"Sunod sunod na tanong ng kambal.
Ngunit hindi ko pa maibuka ang bibig ko at sobrang sakit ng katawan ko.
Pumikit ulit ako dahil biglang sumakit ang ulo ko.
"Kade tawagin mo si Doc" rinig kong saad ni Kuya Rade.
Nasa hospital ako?
Bigla nanamang sumakit ang ulo ko at biglang nag flashback sa akin ang nangyari kaya napatayo ako sa kinahihigaan ko ngunit napahiga din ako dahil sobrang sakit ng katawan ko na ikinadaing ko ng sobra.
"Nads wag mo naman biglain ang katawan mo" nag aalalang saad ni kuya Rade.
Bigla naman bumukas ang pinto at hinihingal na dumating si kuya Rade kasama ang doctor.
"How are you iha? Anong nararamdaman mo ngayon?" tanong sakin ng doctor.
"M-masakit po ang katawan ko at ang u-ulo ko" nahihirapan na saad ko.
"Hmm okay, kaya masakit ang katawan at ang ulo mo dahil malakas ang impact sayo nung nangyari na accident bukod diyan ay may nararamdaman ka pa ba?" tanong ng doctor.
"W-wala na po" saad ko.
"Hindi ka ba nahihilo? Wala ka bang nararamdaman na hilo? Naaalala mo ba ang lahat ng nangyari?" tanong ulit ng doctor sakin.
"H-hindi naman po and naaalala ko po lahat ng nangyari" saad ko.
"Okay that's good to hear dahil may chance na magka amnesia ka dahil malakas ang impact na natamo mo sa ulo" saad ng doctor na ikinagulat ko.
"We were going to check on you time to time, magpahinga ka muna sa ngayon at wag ka muna masyadong magkikilos" saad ng doctor kaya tumango na lang ako.
Lumabas na ang doctor kaya lumapit na sakin ang mga kuya ko.
"Anong gusto mo Nads?" tanong ni kuya Rade.
"Pagbabalat kita nitong orange ha kasi isang linggo ka ng nakaratay diyan" saad naman ni kuya Kade na ikinagulat ko.
Isang linggo?! Wtf? How?
"Ano? Isang linggo?" gulat na saad ko.
"Oo, bakit? Malakas daw kasi ang impact sa katawan mo ang nangyari" saad ni kuya Rade.
S-si Nadia..
"Kuya.. si Nadia? Kamusta siya? Okay lang ba siya?" nag aalalang tanong ko.
Bigla naman nagbago ang expression sakanilang mukha na ikinakaba ko ng sobra.
"Kuya Kade.. Kuya Rade.. Anong nangyari? Okay lang ba siya?" sobrang nag aalalang tanong ko.
Bigla silang yumuko at hindi sumagot.
"Anong nangyari? May masama bang nangyari sakaniya kuya?" tanong ko ulit ngunit hindi nanaman sila sumagot.
"Ano ba?! Sasagot ba kayo o hindi?! Pinapakaba ninyo ako" sigaw ko sakanila na ikinataranta nila.
"Bunso wag mong biglain ang katawan mo baka mapano ka" nag aalalang saad ni kuya Kade.
"Hindi ninyo kasi sinasagot ang tanong ko" mahinahong saad ko sakanila.
YOU ARE READING
Hidden Feelings
Novela JuvenilHidden Feelings is a forbidden love about two women. This girl Nadia Elara has a sudden feelings for this girl but she can't admit it. She's scared to face the reality of what would happen when she confesses it even she knows that it's forbidden lov...