CHAPTER 1 (The Start)

72 11 2
                                    

Nadia Elara

Natapos na ang pangalawang klase namin at break time na.

Habang nagk-kwento ang teacher namin kanina kinukulit naman ako nitong katabi ko, ayaw tumigil gusto ko ng sapakin.

Wala naman masyadong ginagawa ngayon dahil first day of class palang naman.

"Huyy tara ano, ano kasi pangalan mo? nakalimutan ko" saad ni Astraea whatever kunwari kumamot pa siya sa ulo niya at awkward na ngumiti sakin.

"Nadia Elara" maikling saad ko sakanya.

"Ang tipid mo naman atsaka Nadia Elara talaga itatawag ko sayo? too long pwede bang hmm Ara kaya?"

Hmm.. Ara? Wala pang tumawag na Ara sa akin.. maganda naman.

Tinanguan ko na lang siya at lumabas na kami ng room. Sinusundan ko lang siya dahil hindi ko naman alam kung saan ang canteen bwiset.

Ayoko talaga ng may kasama tapos makulit pa mas lalong ayoko.

Tumigil siya sa paglalakad muntik pa kami magkabungguan dahil nasa likod niya lang ako.

"Bakit ka tumigil?" naka kunot na noong tanong ko sakanya dahil bigla na lang siya tumitigil.

Tumabi siya sa akin at kumapit sa braso ko.

Wth? Bakit ba ang clingy nito. Ayoko sa clingyy, how can I tell her that? It will be rude to say that baka masaktan ko feelings niya.

Omygosh? Am I just concerned about her feelings? This is the first time huh.
"Dito ka sa tabi ko baka mawala ka, transfer ka diba?" saad niya.

Tinignan ko lang siya dahil masyado siyang malapit.

Nakarating na kami sa canteen hmm malaki ang canteen..

"Upo ka dito, my treat na hintayin mo ako diyan bibili ako ng pagkain natin Ara" she said at tumalikod na siya.

Ehh?? Ililibre niya ako? Ngayon pa nga lang kami nag meet eh? Ganito ba talaga siya? Masyado siyang mabait na pwede siyang abusuhin ng iba.

Nagulat ako ng biglang may dalawang lalaking tumapik sa shoulder ko.

Mas lalo akong nagulat ng makita ko ang dalawa kong kuyang kambal.. Yes I have a twin brother their name is Rio Kade and Gavin Rade, I called them Kade and Rade because wala lang magkatunog eh mas bagay kasi kambal sila.

They're engineer students, 1st year college oh diba sanaol matalino sa math.

Hindi ko alam na dito din pala sila mag aaral dahil hindi naman nila sinabi sa akin bwiset.

"Hello siss, suprise!!" sabay pa nilang sabi, nakakahiyaaa shit lupa lamunin mo ako ngayon na.

"Ano ba kuya nakakahiya kayo" bulong na saad ko sakanila dahil nakakahiya naman talaga sila kung hindi lang sila gwapo.

"Tss ayaw mo lang mapahiya to keep your cool" nakangising saad ni kuya Kade.

I just rolled my eyes at them. Of course duhh sino ba naman gusto mapahiya.

Hidden FeelingsWhere stories live. Discover now