Nadia Elara
Nagising ako bigla ng walang dahilan, mukhang madaling araw pa lang. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang oras, 3:45 a.m pa lang.
Nakaramdam ako ng uhaw kaya napagpasyahan kong bumaba para kumuha ng tubig.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto baka magising kasi si Selene.
Medyo malamig ngayon ah, damang dama ko ang lamig.
Dumeretso ako sa kusina at kumuha ng tubig. Pagtapos kong uminom ay lalabas na sana ako ng kusina ng biglang may nahulog na bagay na ikinagulat ko.
Bigla naman akong kinabahan.
Lumapit ako ng dahan dahan at nahulog lang pala yung kaldero hays.
Binalik ko ito sa taas at lalabas na sana ulit ako ng biglang may nahulog na kutsara o tinidor.. idk.
Shitt.. Minumulto ba ako?
Hindi ko na nakayanan at tumakbo na ako papuntang kwarto ko at sinara ko
ng mabilis ang pinto.Hinihingal akong napasandal sa pinto at napaupo at napapikit dahil sa takot.
Fuck.. Nakakatakot yun ah, maiihi ata ako sa takot.. Matatakutin talaga ako 〒_〒
Pagmulat ko ng mata ko ay nagulat ako dahil nasa harapan ko ngayon si Selene.
At..
Sobrang lapit ng mukha niya sakinn!
Napatingin ako sakaniya dahil hindi ako makagalaw sa sobrang lapit ng mukha namin.
Ano bang ginagawa niya?
Lumayo naman siya kaagad sakin mukhang nagising na siya.
"S-sorry, bakit gising ka pa?" biglang tanong niya.
"Ahh kasi nagising ako tapos nauhaw ako kaya bumaba ako para uminom" saad ko.
"Eh bakit ka nandiyan?" nagtatakang tanong niya sakin.
"Wala" saad ko at tumayo na sa pagkakaupo ko.
Baka pag sinabi ko eh pagtawanan niya lang ako psh.
Humiga na ulit ako sa higaan ko pero hindi na ako makatulog, konting oras na lang naman na.
"S-selene?" nag aalinlangan kong tawag sakaniya.
"Bakit?" she asked.
"Dito ka" maikling saad ko.
Tumayo siya sa pagkakahiga niya at tumabi sa akin.
"Bakit?" tanong niya.
"Wala, hindi na kasi ako makatulog eh" saad ko.
"Ahh ehh ako inaantok pa eh, bahala ka dito na ako matutulog" saad niya at yumakap siya sakin na ikinagulat ko.
"Hoyy! sinong nagsabing yumakap ka sakin ha?" tanong ko sakaniya at pilit kong inaalis ang pagkakayakap niya sakin pero pumapalag siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/340425702-288-k793212.jpg)
YOU ARE READING
Hidden Feelings
Teen FictionHidden Feelings is a forbidden love about two women. This girl Nadia Elara has a sudden feelings for this girl but she can't admit it. She's scared to face the reality of what would happen when she confesses it even she knows that it's forbidden lov...