Nadia Elara
Nakakapagod pala ang pagtatrabaho na ganito. Sana pala ay hindi na lang ako nag offer bwiset.
Nakakapagod ang pabalik balik ang dami kasing costumers dahil medyo makulimlim ang panahon.
Nilagay ko na ang tray sa counter at umupo dahil pagod na talaga ako 〒_〒
Pero nakita ko si Kino na sobrang sipag na sipag sa ginagawa niya.
Magpapatalo ba ako? Syempre hindi tss.
Iisipin ko na lang na exercise to kahit hindi naman ako nag e-exercise.
Hindi ko alam kung ilang beses na akong nakabalik, madaming beses na.
Pagbalik ko sa counter ay nakita ko si Selene kaya lumapit ako sakaniya.
"Pagod ka na ba?" tanong niya at hinawakan ako sa braso.
"Hindi no" pagtatanggi ko pero pagod na talaga ako.
Tinignan ko ang oras sa relo ko at tatlong oras na pala kaming nag s serve ang bilis ng oras.
"Mag lunch na muna kayo kasi baka may dumating pang mga costumers, nakakain na ako" saad niya at pumasok siya sa loob.
Hindi ko alam basta pumasok siya sa loob kaya sumunod na lang ako.
"Halika Nadia, kumain ka na muna dito okay?" saad niya kaya tumango na lang ako.
Umupo na ako sa mesa at nag umpisa ng kumain.
"Labas muna ako para tawagin si kuya Kino para makakain na din siya" saad niya pero hindi ko na siya pinansin.
Binilisan ko na kumain dahil ayaw kong makasabay yon kainis. Hindi ko alam pero kumukulo ang dugo ko sakaniya.
Natatandaan ko pa ang sinabi niya sakin na gusto niyang magpatulong sakin na ligawan si Selene?
Ako?
Bakit ako?
Nakatikim na ba siya ng flying kick? Tss.
Pero bakit ako nagagalit?
I mean no, hindi ako galit pero bakit kasi ako diba? Eh pano pag ayoko?
Ayoko talaga no.
Sa gigil ko ay natapos na akong kumain at saktong pumasok na sina Selene at Kino na parang may nakakatawa silang pinag uusupan dahil tumatawa silang pareho na ikinakunot ng noo ko.
Tumingin naman sakin si Selene at nawala ang ngiti sakaniyang mukha.
"Balik na ako don" saad ko at tumayo na.
"Samahan na kita Nads" saad ni Selene na nakangiti sakin pero tinarayan ko lang siya.
"Upo ka na lang diyan kuya Kino ayan na yung pagkain" dinig ko pang saad ni Selene bago ako nakalabas papuntang counter.
Umupo na muna ako dahil wala naman ng mga order na dadalhin. Umupo naman sa tabi ko si Selene kay tinignan ko ito habang nakatingin siya sa labas.
YOU ARE READING
Hidden Feelings
Teen FictionHidden Feelings is a forbidden love about two women. This girl Nadia Elara has a sudden feelings for this girl but she can't admit it. She's scared to face the reality of what would happen when she confesses it even she knows that it's forbidden lov...
