CHAPTER 19 (Last Trip)

47 9 18
                                        

Nadia Elara

Pagtapos ng ilang oras na byahe, sobrang habang byahe andito na din kamiii! (。’▽’。)♡

Pagkababa nina kuya ay bumaba na din kami.

"Hello ma'am and sir, welcome to our resort!" nakangiting saad ng babae.

In-assist naman kami ng mga tauhan nila dito. Tinulungan nila kami sa mga dala naming gamit.

Parang pagod ang katawan ko sa buong byahe at gusto kong matulog.

"I'm so tired" mahinang saad ko.

Bigla namang umakbay sa akin si Selene na ikinagulat ko kaya napatingin ako sakaniya.

"Sumandal ka na muna sa akin" saad niya kaya sumandal na lang ako sakaniya.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko.

Masaya?

Kinikilig?

Noooo..

Hindi ako kinikilig.

Just happy.

"1:30 pa lang pala" saad niya kaya napatingin ako sa oras.

"I'm kinda sleepy nga eh" saad ko naman.

"Tara na, okay na ata ang mga gamit natin" saad niya kaya umayos na ako ng tayo.

Sumunod na lang kami sa mga staff na dala dala ang mga gamit namin at pumasok na sa hotel ng resort.

Mukhang ni rent ata nila ang buong resort dahil kami kami lang ang nandito.

Dito lang sa first floor ang room namin, kami nina Selene at mama magkasama sa isang room. Ang mga boys naman ay sa kabilang room sa room 01 kami naman ay room 02 magkatabi lang.

Pumasok na kami sa room 01 at may tatlong bedroom dito.

I want to be with her in one room hmm.

Pero wala naman akong magagawa,  tatlo ang kwarto baka makahalata pa siya sa akin pag sinabi kong sa iisang kwarto na lang kami matulog no.

I know..

I like her but I can't just confess it.

And hindi ko nga alam kung mag c confess ba ako sakaniya o hindi.

Nalilito pa din ako.

Alam kong gusto ko siya pero iniisip ko pa din kung ano ang mga mangyayari kapag umamin ako sakaniya.

Should I do it now?

Maybe no..

Hays.

Bahala na.

Inayos ko na muna ang mga gamit ko dito sa room ko at nagpahinga.

Ano kaya pinag usapan nina Kino at Selene kanina?

Ano kayang sinabi sakaniya ni Selene?

Ano kayang sinabi ni Kino kay Selene?
I am so fucking curious!

Should I ask her later?

Wag na lang..

Habang nag iisip ako ay bigla namang may kumatok sa pinto kaya bumangon na ako sa pagkakahiga ko at binuksan ang pinto.

Bumungad naman sa akin si Selene na naka two piece ngayon kaya napa nganga ako.

She's wearing a white two piece and..

She looks sexy!

She's so beautiful..

She's so perfect..

Hidden FeelingsWhere stories live. Discover now