CHAPTER 3 (Getting to know each other)

56 10 1
                                    

Nadia Elara

"Sinong nagsabi na makialam ka ha?" saad ng babaeng umaaway kay Selene kanina sa canteen.

Hindi ko ito sinagot kaya hinawakan niya ako sa mukha.

"Sumagot ka pag kinakausap kita" saad niya ulit.

"Mukhang baguhan ka dito sa school ah pero mayabang kana, hindi mo ba ako kilala?" saad niya ulit.

"Kailangan ba kitang makilala?" pabalang na saad ko sakaniya at kita ko ang inis sakanyang mukha.

"Mukhang first day of class eh may detention ka na agad Miss.. Monterial?" Nagtakang saad niya.

"Kaano ano mo si Mrs. Monterial?" saad niya na parang namumutla.

"You don't care" saad ko ulit at binitawan niya ako.

"Papalagpasin ko ito ngayon, pasalamat ka ay nasa mood na ako ulit" saad niya at inaya na niya ang mga kasama niya na lumabas na.

"Tss takot lang kayo" bulong ko at pinagpagan ang damit ko.

Lumabas na ako at dumeretso ako sa cr ngunit pag bukas ko dito ay wala na si Selene.

Nasaan kaya yon?

Tumakbo ako pabalik sa canteen at hinihingal ako ng makadating.

"Siya ba yung transfer?"
"Mukhang siya nga"
"Ang angas niya"
"Shit bakit parang nakikita ko sa side niya pogi sa kabilang side naman ay maganda"
"Kaya nga maganda na cool pa"

Dinig kong bulong ng mga students, edi sana hindi na sila bumulong tsk.

Hinanap ko ang pwesto namin kanina at nakita ko sina kuya don kaya lumapit ako.

"Oh Nads? okay ka lang?" tanong ni kuya Kade.

"Gago syempre okay yan" saad naman ni kuya Rade.

"Ayy oo nga pala black belter ka" saad ni kuya Kade.

Nabulunan naman itong si Gavin, kaya nagtataka ko itong tinignan.

"Nakita ba ninyo si Selene?" pagtatanong ko sakanila.

"Ha? Hindi bat kasama mo siya?" nagtatakang tanong ni kuya Rade.

"Oo,  pero kasi hinila ako nung mga babaeng nang away sakanya nung hinihintay ko siya sa cr eh, pagbalik ko wala na siya don" pag e explain ko.

"Nads? Ikaw ba yan? Yan na ata ang pinaka mahabang sinabi mo na nadinig ko" saad naman ni kuya Kade kaya binatukan ko ito.

"Siguro crush mo si Selene no, ikaw ah bakla ka pala" saad naman ni kuya Rade kaya sinamaan ko siya ng tingin.
What the heck? Ako bakla? No way. I'm just concerned dzuh.

Nilayasan ko na lang sila dahil kung ano ano ang sinasabi nila, nonsense tss.

Habang naglalakad ay may naaninag ako sa puno. Namumukhaan ko ang posture na yon kaya lumapit ako.

At tama nga ako siya nga ito.

"Selene.." pagtawag ko dito.

Hidden FeelingsWhere stories live. Discover now