Nadia Elara
Nagulat ako dahil ang bilis ng pangyayari. Nakapa ibabaw ito sa akin ngayon at hindi ko alam ano ang i rereact ko.
Nakatitig lang ito sa akin na parang pinagmamasdan niya every part of my face.
"Ano ba Selene ang bigat mo pwede bang tumayo ka na?" iritang saad ko dahil naiilang na ako sa tingin niya.
Tumayo naman ito at tinulungan niya akong tumayo.
Kainis.
Hinila ko ang sketchbook ko sakanya at tumakbo na ako palabas at pumasok sa elevator.
Inayos ko ang sarili ko dahil ayokong nagmumukha akong madumi.
Sobrang naiirita ako ngayon dahil sa katangahan niya. She's so annoying, bakit ba kasi ang kulit niya? Nakakairita.
Hinding hindi na talaga siya makakalapit sakin.
Lumabas na ako sa elevator dahil nandito na ako sa third floor, dumeretso na ako sa classroom namin at buti na lang wala pa si ma'am kahit time na.
Hanggang ngayon ay naiirita ako hindi ko alam, ano ba kasing ginagawa niya don dinala pa talaga niya ang sketch book ko sobrang mahalaga sa akin ito.
Tinago ko na ang sketch book ko baka mawala pa ng tuluyan, siguro ay hindi ko na dadalhin ito baka mawala pa.
Sakto naman dumating na ang teacher namin kasabay niya si Selene.
Pumasok na sila at umupo na sa tabi ko si Selene, tss.
"Goodmorning class so hindi ko na papatagalin pa.. alam niyo naman na pag first day of school wala pang ginagawa so let us introduce our self to each other" pagsisimula niya.
Argg kairita introducing nanaman, sawang sawa na ako.
We introduced ourselves one by one and it's my turn now.
Tumayo ako at nagpakilala.
"Hello, I'm Nadia Elara" saad ko.
"That's it?"
"Yes Miss" saad ko at umupo na ulit.
"Hm okay.. Miss Selene, I know her already so hindi mo na kailangan magpakilala, okay let me introduce myself now" saad ni miss.
Bakit ba kilala nila agad si Selene? Hm.. siguro dito siya agad nag aral simula junior high school.
"I'm Miss David your teacher in Basic Calculus" pagpapakilala ni miss.
"Okay so that's it, our class will start tomorrow" saad niya ulit at lumabas na siya ng room.
Arghh so bored.
Kinalbit naman ako nitong katabi ko at sinamaan ko siya ng tingin.
"Hey.. I'm sorry" saad niya at yumuko.
Tinignan ko lang siya at hindi ko na ito pinansin.Uwing uwi na ako at naiirita ako sa katabi ko.
"Uy sorry na please.. hindi na talaga mauulit" saad niya ulit at hinawakan pa niya ako sa braso.

YOU ARE READING
Hidden Feelings
Teen FictionHidden Feelings is a forbidden love about two women. This girl Nadia Elara has a sudden feelings for this girl but she can't admit it. She's scared to face the reality of what would happen when she confesses it even she knows that it's forbidden lov...