Nadia Elara
Hinila ko siya papunta sa parking lot.
"Bakit hindi mo naman sinabi agad na may sasakyan ka pala" saad niya.
Hindi ko na siya pinansin at binuksan ko na ang pinto para sakanya at pumasok na ito.
Umikot ako papunta sa driver seat at pumasok na ako.
"Woww.. Marunong ka pala mag drive" saad niya.
"Obvious?" sarcastic na saad ko.
"Sungit mo no" saad niya.
Hindi ko na siya pinansin at nag focus na ako sa pag d drive.
"Mahilig ka sa plushy and squishy stuff toys no" saad niya dahil nakayakap siya sa teddy bear ko at pinaglalaruan niya ang squishy toys ko.
Hindi ko dapat siya hinahayaan na pinapakialaman niya gamit ko pero hinayaan ko na lang siya.
Siya pa lang ang nakakasakay sa car ko, ang swerte naman niya tss.
"Saan ang condo mo?" tanong ko.
"Malapit sa book store diyan" saad niya.
Ahh soo malapit pala siya don, kaya sguro dun sila nagkasagutan ng ex niya.
"Dito ba?" tanong ko.
"Yepp diyann, mag park kana lang diyan"
Pinark kona ang kotse ko at bumaba na ako, nagtataka naman ako dahil hindi pa bumababa etong si Selene.
Umikot ako at binuksan ko ang pinto ng kotse.
"Bakit hindi ka pa bumababa?" nagtatakang tanong ko sakaniya.
"Gusto ko pag buksan mo ako eh" saad niya at nag make face pa siya sa harap ko kaya kinotongan ko siya.
"Aray ah, nananakit kana ngayon" saad niya at bumaba na siya sa kotse.
"Tara na" saad niya kaya sumunod na ako sakaniya.
Second floor pa ang mga unit dito, dito sa baba ay parking lot.
Hmm.. Maganda, what if kuha din ako ng condo?
Andito na kami sa second floor at sumusunod lang ako sa babaeng to, makakauwi pa naman siguro akong buhay? 〒_〒
Bigla naman niyang hinawakan kamay ko at binilisan namin maglakad.
"Ang bagal mo talaga maglakad no" saad niya.
Nag stop na kami dito sa unit 404, eto na siguro yon.
"Talikod ka, password ko to baka bigla mo akong i suprise visit" saad niya.
Assuming tss.
Tumalikod na lang ako baka masapok ko ulit to.
"Pasok ka na Nadia" saad niya kaya humarap na ako sakaniya at pumasok na ako sa loob.
Tinanggal ko muna ang sapatos ko at dumeretso ako sa sofa at umupo dahil feeling ko pagod ako hindi dahil sa pag aaral kundi sa kakulitan niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/340425702-288-k793212.jpg)
YOU ARE READING
Hidden Feelings
Teen FictionHidden Feelings is a forbidden love about two women. This girl Nadia Elara has a sudden feelings for this girl but she can't admit it. She's scared to face the reality of what would happen when she confesses it even she knows that it's forbidden lov...