Nadia Elara
This is the dayy.. Salamat at makakauwi na din ako, thank youu lordd! (σ≧▽≦)σ
At sabi sa akin ni mama bukas na daw ang recognition namin buti na lang ay nasali pa ako sa honor. Sabi kasi ni Selene wala naman na daw kasing ginagawa nung na coma ako sa hospital kaya swerte daw talaga ako.
Swerte? Muntik na ngang mamatay, ang eme nito.
Anyway.. I'm so happy because I'm still alive today ≥﹏≤
Siguro babaguhin ko na ang ugali ko, I mean maayos naman ugali ko eh.. I know na cold ako sa iba and I can't express my feelings to others so maybe now magpapakatotoo na ako para sa iba at para din sa sarili ko, para sumaya naman ako kahit papaano.
Siguro ang sarap sa pakiramdam non ♡⃛◟( ˊ̱˂˃ˋ̱ )
"Huyy Nadia! kanina pa kita kinakausap" biglang saad ni kuya Kade na ikinagulat ko.
Sinamaan ko ito ng tingin dahil bigla bigla na lang siyang nanggugulat.
"Bakit ba?" inis na saad ko sakaniya.
"Punta kana po kako sa kwarto mahal na prinsesa para makapagpahinga kana yun lang naman po masungit na prinsesa" saad niya at bigla akong nilayasan.
Bwiset talaga, ayaw ko na nga magbago.
Umakyat na ako sa taas at dumeretso ako dito sa kwarto ko syempre.. Haayyyy na miss ko ang room ko pero teka.. Bakit? Masyadong mabango, ang tapang ng pabango.. hays Selene.
Humiga na ako sa kama kong malambot ≧∇≦
Sobrang ayos ng kwarto ko kumpara non siguro inayos ni Selene dahil sa iisang kwarto lang naman kami natutulog pero sa lapag siya natutulog, ayaw ko kasing magtabi kami.
Hindi ako makapaniwala na one week akong nasa hospital parang isang araw lang.
Habang nag iisip isip ako ay biglang bumukas ang pinto.
"Nadia, dinalhan kita ng dinner mo oh and pagtapos mo kumain inumin mo daw tong gamot mo sabi ni tita" saad ni Selene na bitbit ang pagkain ko.
Nilagay niya ito sa mesa kaya bumangon na ako at umupo para makakain na din ako.
"Thank you Selene" nakangiting saad ko sakaniya.
"Wow, nakakapanibago ah" natatawang saad niya kaya natawa din ako.
"Sorry sa mga nagawa ko sayo ah" I sincerely said.
"Ano ka ba, okay na nga yon atsaka kumain kana muna diyan" saad niya.
Tinapos ko na kumain at uminom na ako ng gamot. Niligpit na ni Selene ang pinagkainan ko at bumaba saglit.
Napagpasyahan kong maligo na muna dahil nanlalagkit ako kadiri.
Kinuha ko ang towel ko at dumeretso na sa cr para maligo.
Habang naliligo ako iniisip ko kung anong nangyari sa isang linggong tulog ako, siguro madaming nangyari? curious tuloy ako hays.
Natapos na ako maligo at kinuha ko na ang towel ko.
Sheett..
Nakalimutan kong kumuha ng damit koooo ╥╯﹏╰╥
Pano na to?
Lalabas ako ng naka tapis lang?
O. M. G 〒_〒
Andiyan na kaya si Selene? Omygosh (╯_╰)
Eh ano naman kung nasa kwarto na siya pareho naman kaming babae diba? Wala namang masama...
YOU ARE READING
Hidden Feelings
Teen FictionHidden Feelings is a forbidden love about two women. This girl Nadia Elara has a sudden feelings for this girl but she can't admit it. She's scared to face the reality of what would happen when she confesses it even she knows that it's forbidden lov...
