CHAPTER 18 (Avoidance)

50 9 6
                                        

Nadia Elara

Eto ang unang araw ng pag iwas ko sakaniya sana kayanin ko.. baka hindi ko makayanan.

Baka hanggang unang araw lang ako 〒_〒 .

Para sa akin din naman to. Yes Nads this is for you para makalimutan mo na ang nararamdaman mo para sakaniya.

And besides lilipat na din naman siya sa Sunday I think.. Nakahanap na daw siya ng bagong condo dahil may ipon na daw siya ulit.

Ayaw niya kasing humingi ng pera sa parents niya kaya nagtatrabaho ito.

And Friday naman na ngayon so 2 days lang..

I can do it! Yes. Fighting! O(≧▽≦)O

Pero hindi ako magpapahalata na iniiwasan ko siya baka kasi makapansin siya sa mga kilos ko.

But.. Do I really need to do this?

Bahala na..

Nasasaktan lang naman ako kaya ko gagawin to.

"Hey baby, bakit ka tulala diyan anak?" biglang tanong sa akin ni mama na nakaupo na ngayon sa harapan ko para mag almusal.

Sa kakaisip ko hindi ko na napansin si mama.

"Anak anong iniisip mo at napaka lalim ata?" nagtatakang tanong ni mama sa akin.

"Wala po ma" saad ko at kinain na lang ang sandwich ko.

"Nakuu anak.. Nagkaka problema ka na ba sa lovelife ha? May boyfriend ka na ba?" excited na tanong sa akin ni mama.

Ang hindi niya alam babae ang nagugustuhan ko ngayon..

Paano ko sasabihin sakaniya ito ngayon kung ang reaction niya ngayon mismo ang nagpapa guilty sa akin dahil babae ang gusto ko at baka hindi na siya ma excite kasi babae ang nagugustuhan ko ngayon at hindi lalaki.

"Wala po akong lovelife mama, alam mo namang wala naman akong kinakausap.. Wala po akong gusto" pagsisinungaling ko sakaniya.

Mama meron po talaga akong gusto.. Sana makaramdam ka 〒_〒

Nalulungkot po ako ngayon mama.. Dahil feeling ko walang tatanggap sa akin pag nalaman ng iba na nagkakagusto ako sa kapwa ko babae
at lalo na kayo mama iniisip ko na baka ma dissapoint kayo sakin at ayaw kong mangyari iyon..

Saad ko sa isip ko dahil kahit kailan hindi ko masasabi ito kay mama..

That's hit me again.

Talagang pinapamukha na sa akin na wala talaga.

"Ako dapat ang una mong sabihan pag may nagugustuhan ka na ah" nakangiting saad sa akin ni mama kaya nginitian ko na lang ito dahil hindi ko naman masasabi sakaniya kahit hiling niya pa sa akin yan.

Nag focus na lang ako sa kinakain ko dahil mas lalo akong nalulungkot sa situation ko.

Hindi ko na tuloy talaga alam ang gagawin ko.

"Oh Selene, gising ka na pala halika na dito.. diyan ka sa tabi ni Nads" biglang saad ni mama.

Pinigilan kong hindi lumingon sakaniya at kumain na lang.

"Hi, goodmorning Nads" bati niya sakin.

"Morning" maikling saad ko sakaniya.

Panindigan mo to Nadia..

Naubos ko na ang sandwich ko at ininom ko na ang gatas ko para maka alis na ako sa kinauupuan ko.

"Ma tapos na ako, punta na ako sa sala" saad ko at tinalikuran na sila.

Hidden FeelingsWhere stories live. Discover now