CHAPTER 2 (Concern?)

65 10 2
                                        

Nadia Elara

Andito ako ngayon sa loob ng clinic at knock out pa din si Selene. Na missed tuloy namin ang third class hays.

Buti na lang first day of class pa lang wala masyadong ginagawa.

Pero nakaka guilty din kung hindi sana ako mareklamo edi sana hindi siya nagkaganito.

Hayy tanga tanga Nadia.

Nag scroll na lang ako sa cellphone ko habang hinihintay ko siyang magising hindi ko din alam bakit siya nahimatay sobrang lakas ba ng impact? parang hindi naman.

Nagulat ako ng may biglang tumawag sa pangalan ko halos mapatalon ako sa kina uupuan ko.

Nakita ko naman na mahinang tumatawa si Selene, gising na pala siya hindi ko napansin.

"Oh? marunong ka palang magulat?" natatawang sabi niya.

Eh kung sabunutan ko kaya to, gigil ako  ̄へ ̄

"Gising ka na pala" saad ko.

Gusto ko na lang batukan sarili ko dahil obvious naman na gising na siya aarrgg fuck.

"Obvious Nadia Elara? My god, alam mo ikaw halatang hindi ka sanay makipag usap sa iba no,  why?" she said confused.

"None of your business Miss Galvez" pagtataray ko sakanya at binalik ang atensyon ko sa cellphone.

"Sungit" dinig kong bulong niya, pero hinayaan ko na lang siya.

Dumating na din ang nurse para tignan siya at okay naman na daw siya maya maya ay pwede na kaming lumabas.

"Hindi pa ba tayo lalabas?" pagtatanong ko dahil naiinip na ako.

"Sige tara na, okay naman na ako" saad niya at tumayo na siya sa kinahihigaan niya.

Tinignan ko muna siya saglit at baka hindi pa siya okay at kung ano pa mangyari sakanya kasalanan ko nanaman hays.

"Tara?" pag aaya niya at humawak siya sa braso ko kaya hinayaan ko na lang siya.

"Okay ka lang ba?" pagtatanong niya na ikinagulat ko kaya napatigil ako sa paglalakad.

Why would she even asked that question to me? Do I look like I'm not okay? Hindi naman kami close.

Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko at nauna na akong maglakad sakaniya dahil baka ma late na kami sa last subject.

"Huyy hintayin mo naman akoo Araaa!" sigaw niya ngunit hindi ko na siya pinansin.

Nakadating na kami sa room, kumatok muna ako bago buksan ang pinto.

Bumungad sa akin ang teacher na may edad na, mukhang matagal na siya sa school na to.

"Who are you?" she asked.

"Uh dito po kami yung room na pinapasukan ko, I'm a transferred student" I said.

"Ohh okay, why are you late?" she asked again.

Hayy daming tanong..

Magsasalita na sana ako ng dumating na si Selene na hinihingal.

"Ano ba yan Ara ang bilis bilis mo naman eh!" angal niya at nagpapadyak pa.

"Ehem, Miss Galvez you're always late huh? Walang pagbabago" our teacher said.

"Ahhh.. Miss kase natamaan ako ng bola eh ayun na knock out ako" pag e explain niya.

Ang panget niya mag explain ( ̄. ̄)

"You're a trouble maker Miss Galvez hindi ka na nagbago, pumasok na kayo" saad ni Miss.

"Ehh Miss hindi naman ho ako nakipag away, iniisip po ba ninyo na hinagis sakin yung bola kasi nakipag away nanaman ako? nakuu hindi po Miss nagbago na ako" tinaas pa niya ang kanang kamay niya at naka pout pa siya.

Hidden FeelingsWhere stories live. Discover now