Nadia Elara
Napayakap sa akin si Selene at ramdam ko ang takot nito.
"Anong k-kailangan mo Devin?" natatakot na tanong ni Selene.
"Ano sa tingin mo? Huh?" nakakalokong tanong nito.
"P-please tumigil ka na.. Ayoko na Devin" saad ni Selene.
"Ano? Hindi pwede! Pinag usapan natin ito.. Hindi ba? Ang sabi mo gagawin mo ang lahat" saad ni Devin at unti unti itong lumalapit sa amin kaya napatayo kami ni Selene.
"Ngayon na gusto ko ulit hindi mo na ako pagbibigyan?!" galit na saad niya.
Anong sinasabi niya? Hindi ko sila maintindihan..
"Ito ang gusto mo Selene hindi ba? Para sa relasyon natin pumayag ka" saad niya at papalapit siya ng papalapit sa amin.
"Oo pumayag ako pero ayoko na Devin.. Pinagsasamantalaan mo ako.." naiiyak na saad ni Selene.
Na realize ko na ang lahat ng sinasabi nila kaya napakuyom ang mga kamay ko.
Ayoko sa lahat ay ang ganito.
"Can you please stop this already?" seryosong saad ko sakaniya.
"Wag kang makialam dito, atsaka bakit ka ba nandito ha? Pwede bang umalis ka na dito?" galit na saad niya sakin.
Lalapit sana ako sakaniya ng bigla akong hinawakan ni Selene na ikinalingon ko sakaniya, umiling iling lang ito sakin kaya napa buntong hininga na lang ako.
"Ano ha? Sa tingin mo kaya mo ako? Babae ka lang" saad nito na lalong kinainis ko.
Bakit ba ang tagal nina kuya mas lalo akong naiinis.
Papalapit ng papalapit sa amin ang ex ni Selene kaya umaatras kami ngunit wala na kaming maatrasan na lalong ikina ngisi niya.
Nasa harapan na namin siya ngayon kaya mas lalong humigpit ang hawak sakin ni Selene.
Hinila niya bigla sa akin si Selene kaya hinila ko ang kaniyang kamay na ikinabigla niya at inikot ko ito na ikinahiyaw niya sa sakit.
"Fuck!! Let me fucking goo!" sigaw niya sa akin pero nginisian ko lang siya at sinipa ko ang dalawa niyang paa kaya napaluhod siya, napapikit na lang siya sa sakit.
"I said.. Let me go!" may diin na saad niya.
"At bakit ko naman gagawin yon? huh?" nakakalokong tanong ko.
"I will kill you" saad niya at bigla niyang binigla ang pagkakahawak ko sakaniya na ikinagulat ko at napahiga ako sa lakas niya.
Akmang tatayo na ako ng bigla niyang hawakan ang dalawang kamay ko at tinititigan niya ako ng nakakaloko kaya nginitian ko din siya.
"Bakit ka ngumingiti huh? Wala ka ng takas ngayon" saad niya at mas diniinan niya pa ang hawak niya sa akin.
Masakit ang pagkakahawak niya sakin at alam kong magkakapasa ako sa hawak niya.
"Sinong nagsabing wala akong kawala?" nakangiting saad ko dito at sinipa ang maselang parte niya na ikinadaing niya.
Habang dinadamdam niya ang sakit ay tumayo ako kaagad at hinila si Selene.
YOU ARE READING
Hidden Feelings
Novela JuvenilHidden Feelings is a forbidden love about two women. This girl Nadia Elara has a sudden feelings for this girl but she can't admit it. She's scared to face the reality of what would happen when she confesses it even she knows that it's forbidden lov...