CHAPTER 02

411 24 5
                                    

ERION

Tuesday

Half day lang kami kahapon kaya naisipan kong umuwi na agad, sana lang ay hindi nagalit o nagtampo si Danaea sa biglaan kong pag-alis. Nagbihis na ako para diretso pasok na ako kahit kakagising ko lang, hindi uso almusal sa akin dahil wala naman akong pera. Hirap magtipid, tiis malala talaga sa buhay. Inamoy ko ang aking sarili kung mabaho ba ako, amoy Johnson's baby powder pa naman ako kaya wala ng ligo-ligo, palag na 'to.

Pinaandar ko nang mabilis 'yong motor ko, hindi ako namomoblema sa manghuhuli dahil sa looban naman ako dumaraan para kahit malayo ay walang may pake kahit wala akong helmet. Pagdating sa school ay dumiretso agad ako sa room para tignan kung nandoon na si Danaea, iniisip ko talaga kung masama pa rin ba loob niya sa akin at sa pagpasok ko ay natanaw ko agad siya sa upuan niya. Napalingon siya sa akin at kinawayan ko siya. Mabilis akong lumapit para makipag-usap.

"Danaea, sorry sa nangyari kahapon. Hindi ko talaga sinasadya na ganoon mangyayari," malungkot kong saad at tinignan niya muna ako bago ngumiwi.

"Iniwan mo ako noong tulog ako." Maririnig sa boses niya na masama nga ang loob niya sa akin, at napangiti naman ako kaya naisipan kong asarin siya ulit.

"Nagtatampo si Dana baby, sorry na 'di na kita iiwan ulit," nakangiti kong saad ngunit agad ding napawi nang biglang nakatanggap ako ng batok. Hindi talaga kumpleto araw niya kapag hindi ako nabubugbog.

"Anong tampo?! Nakakahiya kaya sa guidance counselor, naabutan niya akong nakanganga habang tulog!" Bulyaw niya sa akin habang sinasamaan ako ng tingin. Narinig ko ang pagtawa ng aming mga kaklase dahil sa kaniyang sinabi na nagpalala sa hiyang kaniyang nararamdaman.

"Kaya kayo pinapalabas eh, magkaharap na nga nagsisigawan pa," natatawang saad ni Yesha. Crush ko dati 'tong si Yesha kaso dumating si Dana baby kaya siya na ang crush ko, nakakatigas talaga. Nakakatigas ng muscle.

Sarap iuntog si Dana my loves dito para ma-feel niya 'yong tigas.

"Andyan na si ma'am!" Sigaw ng isa pa naming kaklase. Lahat kami ay nagsipag-ayos ng mga upuan at umupo nang tuwid, isa pa kasing masungit itong si Ma'am Five.

Cinco is five diba kaya Ma'am Five parang High Five.

"Mr. Escalona, napapadalas na yata ang pagngiti mo mag-isa," nakakunot-noong banggit ni ma'am sa akin. Palagi na lang nila akong napapansin, ganoon na ba ako ka-guwapo para nasa akin lagi paningin nila.

"May naisip lang po ma'am hehe," kunwaring nahihiya kong tugon sa kaniya kahit hindi naman talaga ako nahihiya.

"Gamitin mo ang isip mo rito sa activity na ipapagawa ko sa inyo." Masungit ang tingin sa akin ni ma'am habang sinasabi niya 'yan, lahat na lang masungit sa akin. Sino kaya magiging malambing at mabuti sa akin? Hay nakong buhay talaga. Napailing na lang ako at napansin ko na isa-isa kaming tinitignan ni ma'am na parang naghahanap siya ng bibiktimahin sa gagawin niyang ulam.

"Magiging partner niyo ang seatmate niyo para sa activity na ito, bring out your yellow papers and answer these questions," seryosong sabi ni ma'am. Kahit ganiyan 'yang si Ma'am Five ay paborito ko ang subject niya na Philosophy. Maloko lang ako pero nag-aaral pa naman ako nang mabuti, smart kid 'to laking bonakid pero hindi bonak.

"Dana baby tara na gawa na tayo," malambing kong saad. Nakasimangot siyang tumingin sa akin bago kumuha ng ballpen at papel. Tahimik lang siya habang binabasa ang mga tanong sa activity. Sinisilip ko 'yong mga tanong para makapagbigay ako ng ambag na sagot, mahirap na baka bugahan ako ng apoy nitong partner ko.

When the Light Fades Away | UNDER REVISION | ON HOLD Where stories live. Discover now