CHAPTER XVI

322 13 0
                                    

ERION

Naalimpungatan ako nang may naramdaman akong humahawak sa aking braso, sa pagdilat ko ay malabo pa rin ang aking paningin at nakita ko si Dana bebi. Hinila niya ako paupo at kumandong siya sa akin bago ako hinalikan nang marahas. Gumanti ako ng halik sa kaniya at naglakbay ang mga kamay ko sa kaniyang katawan.

Dahan-dahan niyang hinubad ang suot niyang dress at lumantad sa akin ang suot niyang lingerie. Napakunot ang noo ko dahil ngayon ko lang nalaman na may lingerie pala siya.

Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay niya sa kaniyang dibdib, napalingon ako sa pinto nang may narinig akong suminghap.

Si Dana bebi.

"B-Bakit dalawa kayong Dana bebi ko?"

Naguluhan ako dahil si Dana bebi ang nakakandong sa akin pero may Dana bebi din sa pinto. Lumapit sa akin ang isang Dana bebi at hinampas ako ng dala niya kaya naman nahilo ako at dumilim ang paningin.

THIRD PERSON

Galit na galit na sinabunutan ni Danaea si Yesha dahil sa kaniyang inabutan. Napahiga sa sahig ang babae habang patuloy siyang sinasabunutan at sinasampal.

"Ahas ka! Pinagkatiwalaan kitang linta ka!"

Walang palag si Yesha dahil sa lakas ni Danaea, sigaw lang siya nang sigaw dahil parang matatanggal na ang kaniyang anit sa sobrang paghila rito.

"Paano mo nagawa sa akin 'to?!"

Umiiyak si Danaea sa sobrang sakit na kaniyang nararamdaman dahil ang dalawang pinapahalagahan niya ay nakita niyang pinagtataksilan siya. Tumawa na tila parang isang baliw si Yesha dahil sa naging tanong ni Danaea sa kaniya.

"Masyado kang tanga para maniwalang gusto kitang maging kaibigan! Mula umpisa ay si Erion ang gusto ko at inunahan mo akong malandi ka!"

Gumanti sa sabunot si Yesha at patuloy nilang sinasaktan ang isa't isa. Napuno na ng mga sugat si Danaea dahil sa talim ng mga kuko ni Yesha.

"Mahal ko si Erion pero dumating ka sa buhay namin at inagaw mo siya sa akin kaya dapat lang 'tong ginawa ko sa inyong dalawa!"

Sinampal ni Danaea nang pagkalakas-lakas si Yesha kaya namanhid ang kaniyang palad. Masama lang ang tingin sa kaniya ni Yesha at balak pa sanang gumanti ngunit kinaladkad siya ni Danaea palabas ng apartment.

"Makati ka kaya bahala kang umuwi na nakaganyan, tangina mo!"

Padabog na isinarado ni Danaea ang pinto bago inayos ang pinamili niya para kay Erion. Tinignan niya ang natutulog na Erion bago ito sinuntok sa dibdib, wala namang reaction ang lalaki kaya patuloy siyang sinusuntok ni Danaea habang umiiyak.

"Ang tanga-tanga mo! Hindi mo man lang alam yung amoy ko para malamang hindi ako yun!"

Hampas lang siya nang hampas hanggang sa mapagod siya at wala pa ring reaction ang lalaki. Kumuha siya ng bimpo at malamig na tubig para ipanghilamos kay Erion.

"Bwisit ka! Kaparehas lang ng damit, akala mo agad na ako yun"

Padabog niyang inaalagaan ang lalaki habang patuloy na pumapatak ang kaniyang mga luha. Sobrang bigat ng kaniyang dibdib dahil hindi niya kaya ang nangyari. Lubusan siyang nasaktan, muntikan pang dalawa ang mawala sa kaniya kung hindi siya nakauwi agad.

"Letseng babae yun, kaya pala nagustuhan na twinning sa damit dahil may balak!"

Sa sobrang galit ay hinagis niya ang hawak niyang bimpo at tumama yun sa mukha ni Erion. Napagalaw ang lalaki kaya naman nagmadali siyang nag-ayos at iniwan na itong mag-isa.

When the Light Fades Away | UNDER REVISION | ON HOLD Where stories live. Discover now