CHAPTER XXX

125 2 0
                                    

ERION

Saturday

Sobrang bigat ng katawan ko nang magising ako pero dali-dali pa rin akong bumangon para mapuntahan na si Danaea.

Gustong-gusto ko siyang makausap para malaman kung ano bang nangyayari, kung ano bang totoo niyang nararamdaman.

Kahit masakit ay pinilit ko pa ring mag-motor papunta sa kanila. Wala na akong pakialam kahit makita pa ako ulit ng daddy niya.

Mas mahalaga sa akin na makita at makausap siya ulit.

"Nasaan si Danaea?" Agad akong lumapit sa mga nagbabantay para hanapin siya.

"Bawal ka rito." Mariing sabi ng isang nagbabantay habang pinipigilan ako. "Nakatanggap ka na ng ilang bugbog pero napakatibay mo pa rin."

"Gusto ko siya makausap, papasukin niyo ako!" Pagpupumilit ko.

Nahinto lang ang pagtatalo namin nang bigla siyang lumabas.

"Mahal!"

Nagmamadali akong lumapit sa kaniya at masaya siyang niyakap nang mahigpit pero tinulak niya lang ako.

"Get off your filthy hands!" Inis niyang sigaw bago pinagpagan ang sarili.

"Mag-usap tayo, mahal. Please."

"Sumunod ka sa'kin."

Pumunta kami sa kanilang garden para doon makapag-usap.

"Mahal, ipaliwanag mo naman sa akin kung bakit ganito." Hinawakan ko ang kaniyang kamay at hinalikan. "Miss na miss na kita."

"Nakakadiri ka." Nakangiwi niyang sabi sa akin. "Ito na 'yong huling pagkikita natin."

"Mahal naman, hindi ako papayag d'yan. Mahal na mahal kita." Naluluha kong sabi sa kaniya.

"Cut the drama, tapos na tayo." Malamig niyang sabi sa akin.

"Hindi, hindi 'yan ang totoong nararamdaman mo." Paulit-ulit akong umiiling sa kaniya habang pilit siyang inaabot.

"I want you out of my life." Madiin niyang sabi bago ako itulak.

"Bakit? Nangako tayo na walang mawawala sa atin, akala ko ba na sasamahan mo ako palagi?" Hindi na napigilan ng mata ko ang mga luhang pilit na kumakawala. "Bakit pinili mong iwan ako ngayong kailangan kita?"

"Inutusan lang ako ni daddy na pahulugin ka dahil ang nanay mo ang pumatay sa mama ko!" Galit niyang sigaw sa akin.

"Isinantabi ko yung galit na nararamdaman ko sa tatay mo dahil mahal kita! Paano mo nagawa sa akin 'to?" Bumigay ang mga tuhod na siyang nagpaluhod sa akin. "Bakit pinili mong hayaang dumilim ang mundo ko?"

"Bakit? Dahil kailanman hindi kita minahal." Malamig niyang sagot bago ako talikuran.

Pinilit kong tumayo at tumakbo palapit sa kaniya para yakapin siya.

"P-Please, 'wag mo akong iwan..", mahina kong bulong. "Hindi ko kaya, ayaw ko nang mawalan ulit."

Hinarap niya ako at sinampal nang malakas bago ako itinulak.

"Wala akong pakialam sa nararamdaman mo." Agad siyang naglakad palayo at wala na akong lakas para sundan pa siya.

Lumapit ang mga tauhan nila sa akin at kinaladkad ako palabas. Hinagis nila ako kaya damang-dama ko ang sakit ng katawan ko.

When the Light Fades Away | UNDER REVISION | ON HOLD Where stories live. Discover now