The next day I went to school thirty minutes earlier than I usually do. Pumunta ako sa soccer field at naghanap ng libreng canopy doon na pwedeng tambayan. I took all my reviewers and digested notes out of my tote bag, today is the second day of our examination at bukas na ang last. Hindi ako naka-review ng maayos kagabi dahil late narin akong nakauwi mula sa Kiss and Tell.Wala masyadong naglalaro dito sa field kaya medyo relaxing ang ambiance and I still have a lot of time to review.
I chatted Aeros, asking his whereabouts. Isasauli ko sana 'yung I.D niya, and I also want to formally thank him, he really did save me yesterday. Hindi pa siya online but after a minute, my phone beeped.
Aeros Deo Suarez:
What a good morning, the anti-romantic Liharra Maru messaged me first.Kumunot naman kaagad ang noo ko nang mabasa ang reply niya. I then, immediately typed my reply.
Liharra Maru Velasco:
'Wag kang feeler, isasauli ko lang ang I.D mo.He's already typing.
Aeros Deo Suarez:
At the main gate, have you eaten?Ang aga naman niya. Hindi ko na lang pinansin ang walang kwentang reply niya at nag-chat na lang ako na pupuntahan siya doon.
Isa-isa kong niligpit ang aking mga gamit at nagpasyang tumungo na sa main gate. Medyo may karamihan narin ang mga studyante sa ngayon.
Aeros was leaning against his car nang makalabas ako sa main gate, he was wearing our usual school uniform at naka sun glasses pa. He stood straight when he saw me approaching his direction.
"Oh!" agad kong inabot sa kaniya ang I.D nang makalapit ako, kaagad naman niya itong tinanggap. A small smile creeped on his face.
"Thank you." I formally said.
Tumango naman siya, his smile was still visible there.
"Have you eaten? You didn't answer my question earlier." Napairap naman ako sa sinabi niya tsaka umiling. I was ready to turn my back on him nang magsalita siya ulit.
"If you're really thankful, then let's grab some breakfast outside. And besides, maaga mo pa'ko pinakilig, you deserve a reward." He said as he took off his sun glasses, nilagay niya 'yon sa bukas na butones ng polo niya. Pinanliitan ko naman siya ng mata.
"I have exams." I reasoned out.
"We all have Maru," sumulyap pa siya sa kanyang silver watch.
"We still have 25 minutes before the exam starts, come on! Sa fast food na lang tayo kung natatakot kang ma-late."
Napabuntong hininga na lamang ako. I don't know what gotten into me at nagpatianod na lang ako sa kaniya nang hawakan niya ako sa kaliwang braso.
Pagpapasalamat na lang ito sa kanya Liharra, para after this wala ka nang utang na loob okay?
He opened the shot gun door for me at kaagad naman akong pumasok. Sumunod naman siya sa driver seat, after a minute he started the engine and drove our way to the nearest fast food.
KFC lang ang nakita naming pinakalapit sa school kaya doon na lang kami huminto. Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan pa ako ng pinto.
Nang pumasok ako sa loob ay kaunti pa lang ang tao, maaga pa kasi. Lumapit ako sa may bakanteng upuan sa tabi ng glass wall malapit sa may pintuan, sumunod naman si Aeros sakin.
"What do you want?" tanong niya ng makaupo na kami.
"Kahit ano na lang." tamad kong sagot, I was preparing my reviewers para makapag-aral ulit ako.
YOU ARE READING
Navigating Hearts ( Aviation College Series #1)
RomanceGrowing up, Liharra Maru Velasco an epitome of determination always believes that there's no such thing as 'no choice' because we all have the power to make our choices. That's why she's always eager to take all the risk along her way. Shaped hersel...