“It was a good sign, Miss Velasco. Keep talking to her, makakatulong ‘yun sa fast recovery niya.” Sabi ni Doc Rica bago lumabas sa room ni Kaye.
Gumalaw kasi ang kamay niya kanina. Muli siyang ni-examine ni Doc bago inilipat sa normal room. Somehow, gumaan ang pakiramdam ko.
I was cleaning her face with wet wipes and clean towel when I suddenly got a call from Mila.
[“Ano na? Hindi ka talaga sasabay?”] bungad niya.
“Hindi na, kayo na lang muna. Kakalipat lang ng room ni Kaye eh.”
I heard her sigh. [“Sayang naman, ang gandang oppurtunity sana nito. Kumusta na pala siya?”]
I glanced at Kaye. “Okay naman, may pinapakita na siyang good signs, sabi ni Doc baka anytime pwede na siyang magising.”
[“Wow, ang gandang balita. Bibisita kami diyan after exam, may gusto ko bang ipabili sa Cebu?”]
Napangiti ako kahit hindi niya makita. “Balita ko masarap daw ang chicharon nila d’yan.”
[“Sige, I gottchu.”]
“Mag-ingat kayo ha.” I tried to sound more concern.
[“Heh! Kunyari hindi pilit. Anyways, if you change your mind, tawagan mo lang ako ha? Para masabay ka namin.”]
“Sige, goodluck.” I said as I ended the call.
They applied for MTP program in Lufthansa Cebu at ngayon ang examination day nila. I got an email too, but I couldn’t come, I need to stay with Kaye lalo na’t nagpapakita na siya ng magagandang senyales. Mag-aabang na lang ako sa next hiring ng mga MTP, hindi naman dito titigil ang mundo.
Yung sa application ko naman sa Airforce Clark, I passed their interview at pinapapunta na nila ako kahapon for briefing before I could start my training. Pero hindi talaga sumang-ayon ang mga pangyayari. I missed a lot of opportunities while filling up all responsibilities with Kaye, but it’s okay, hahanap na lang ulit ako ng pwedeng pag-applyan kapag naka-recover na yung pinsan ko. May trabaho pa naman ako kahit papano at saka yung bill niya, wala na akong nagawa nung sinabi sa’kin ng Nurse in charge na fully paid na raw kahit one year pa kaming mag-stay doon sa hospital.
My phone lit up again. Text iyon mula kay Aeros.
Deodore:
Nag-iwan ako ng pagkain kay manong guard. Feed your stomach before working. I’m still waiting, just text me if you are ready to talk.Napabuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa pagpunas kay Kaye.
“Liharra, gusto mo bang kunin ang shift ni Karen mamaya?” nasa kalagitnaan ako ng trabaho nang lapitan ako ni Miss Gela, co-worker ko na highest position sa team namin.
“Hanggang anong oras, po?”
She checked the wall clock in front of us. “11 pm siguro.”
I gave her a nod. “Sige, Miss Gela.”
“Thank you.”
Binuksan ko ang phone ko para i-text si Aling Sita na late na akong makakabalik ng hospital, siya kasi ngayon ang nagbabantay kay Kaye—and I couldn’t thank her enough for doing us such favor.
Deodore:
I’ll pick you up, make sure to eat your dinner.Nanlaki ang mata ko nang makita ang text ni Aeros. Ang tanga! Sa lahat ng contacts ko na pwedeng ma-wrong send, bakit sa kaniya pa!?
YOU ARE READING
Navigating Hearts ( Aviation College Series #1)
RomansaGrowing up, Liharra Maru Velasco an epitome of determination always believes that there's no such thing as 'no choice' because we all have the power to make our choices. That's why she's always eager to take all the risk along her way. Shaped hersel...