The school year finally ended. May two months kaming bakasyon before the next school year starts. Mila kept on sending us pictures of different tourist spot destinations in Hongkong. She would often video call us too sa group chat namin, gusto niya raw kaming kasama sa mga gala niya kaya ganun.
I’m trying to make the most out of my vacation time to earn money. Every week days Kaye and I would go to the wet market to help Aling Sita. Kami ang laging bantay doon dahil palaging nanakit na ang kaniyang likod sa maghapong pagbebenta ng mga isda. Sa weekend naman ay duty ko sa cafe.
“Isang kilo nga ng bangus, iha.”
Kumuha ako ng dalawang piraso ng bangus at niligay ‘yon sa kilohan. Hindi ito umabot ng isang kilo kaya muli kong dinagdagan ng medyo maliit na bangus.
“260 po Ale. Ito sukli niyo, 240.” Si Kaye na ang nagbigay ng sukli.
“Tilapia nga sa’kin, ining. Kalahating kilo lang.”
“Ito nay, 150 po.”
“Dalawang kilo ng dilis at kalahating kilo ng galunggong.”
Nang maka-alis ang tatlong customer ay kaagad kong pinunasan ang namumuong pawis sa aking noo. Hindi naman mahirap magtinda dito dahil maraming suki si Aling Sita at tsaka halos mababait naman ang mga nakakasalamuha kong customers, hindi kagaya sa cafe na paswertehan lang.
“Bili ka muna almusal, Ate. Ako na ang bahala dito.” Nakangiting sabi ni Kaye. Kanina pa kasi siya tapos kumain.
Kinuha ko ang singkwenta pesos na ibinilin kanina ni Aling Sita para sa almusal namin bago siya tumungo sa pantalan dahil kukuha raw ng panibagong banyera ng mga isda.
Tinggal ko ang suot kong apron bago lumabas sa aming stall. Dumaan ako sa isang eskinita kung saan ang daan palabas ng merkado. Lumapit ako sa nagtitinda ng inasal para bumili.
“30 pesos po na bbq at isang rice.”
Lumayo ako saglit dahil masyadong mausok. May nakita ako na isang upuang kahoy kaya kinuha ko ‘yun at ginamit. I sat there comfortably. Maya-maya pa ay nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na kulay asul na kotse na pinagkukumpulan ng mga batang lansangan. My forehead quickly creased.
Dahan-dahan akong tumayo sa pagkaka-upo at lumapit doon.
“Balang araw bibili din ako niyan, gusto ko kulay itim tapos yung malaki.” Rinig kong sabi ng isang batang lalaki.
“Gusto ko yung ganito lang, medyo maliit dahil paniguradong sobrang bilis nito.” Pagsang-ayon naman ng katabi niyang bata, matabang lalaki.
“Ako gusto ko kulay pink, para bagay sa’kin dahil maganda ako, tapos may picture ni Barbie.”
“Posible ba ‘yun, Angel? Paano naman nila lalagyan ng picture ni Barbie ang kotse kung ganun?”
“Pwede kaya ‘yun Cy, dalawang beses na nga akong nakakita ng kotse na may picture ni Hello Kitty eh.”
“Paglaki natin Cyril, mas magiging high tech na ‘tong bansa kaya hindi impossible ang gustong mangyari ni Angel.”
“Kung ganun, gusto ko ng kotse na lumilipad tsaka tubig lang yung gamit para gumana.”
Nag-apir pa silang apat. Tuluyan na nga akong lumapit. Kaagad kong kinalabit ang batang si Angel, sabay naman silang humarap sa’kin.
Their small eyes widened a fraction. Bata pa lang ay halatang mga guwapo at maganda na.
“Sino ang may-ari ng kotseng ‘yan?” mahinang tanong ko. I bent down a little to their level.
Sandali silang nagtinginan bago nagsalita si Angel.
YOU ARE READING
Navigating Hearts ( Aviation College Series #1)
RomanceGrowing up, Liharra Maru Velasco an epitome of determination always believes that there's no such thing as 'no choice' because we all have the power to make our choices. That's why she's always eager to take all the risk along her way. Shaped hersel...