Chapter 32

56 1 0
                                    

"Bakit hindi ka man lang nagpakita?"

Kasalukuyan akong nasa loob ng site at nag-aayos ng mga aluminum materials nang lapitan ako ni Aeros.

"I told you, right? Engineer Rodriguez was expecting us to be there. I waited, pero hindi ka nagpakita, not even a text to inform me that you won't be able to make it."

Tinignan ko siya. "I'm sorry, Engineer. I had to go home that's why."

"Why? Did something happen?"

Umiling agad ako at lumipat ng pwesto pero sumunod din naman siya.

"Wala naman, Engineer. Kumuha lang ako ng gamit. Sabi ko na lang para hindi na siya mag-tanong.

"Next time, inform me." Banayad na boses ang pagkakasabi niya nun. Tumango na lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Jill," tawag ko kay Jill. Napansin ko na nakatingin parin si Aeros sa'kin kaya tinawag ko siya.

"Paki-separate to sa isang lagayan, dun sa plastic box na blue. I already checked everything."

"Sige po, Lieutenant."

"May kailangan ka pa ba, Engineer Suarez?" baling ko muli kay Aeros dahil hindi parin siya umaalis sa kaniyang pwesto.

"Are you okay? You look pale."

Sasagot na sana ako nang bigla na lang akong nakaramdan ng hilo. Napahawak ako sa aking ulo at naramdaman ko na lang ang matikas na braso na pumulupot sa'king katawan, then everything went black.

Unti-unti kong minulat ang aking mata at bumungad sa'kin ang puting kisame. I roamed my eyes around and confirmed that I am currently lying on the hospital bed.

Napabalikwas ako ng bangon.

"Are you feeling better?"

Sabi ni Aeros na kakapasok lang sa loob ng room ko.

"What happened?" tanong ko agad.

"You fainted." He answered instantly. "Sabi ng Doctor fatigue raw, you overworked yourself."

Unti-unti siyang lumapit sa kama ko.

"Sorry kung naabala pa kita pero okay na ako. Balik na tayo sa site." Sabi ko at sinubukang tanggalin ang IV sa'king kamay.

"Stop, please. You need to rest, Maru." Pigil niya sa'kin.

"I am fine, Engineer." I said, slowly getting annoyed.

"The doctor said you need to rest. At yun ang gagawin mo." Seryosong sabi niya habang pinipilit tignan ang mga mata ko. "Please, just this one, listen to me."

"Okay na nga ako eh. Bakit ba?"

Sa ilang buwan ko sa training kailan man ay hindi ako nahimatay, tapos sa fatigue lang ay na-hospital kaagad ako?

"Hintayin na lang natin ang permission ng Doctor, Arra." Biglang pumasok si Albert. "For now, magpahinga ka muna."

I heaved a sigh of defeat. Ngumiti si Albert sa'kin nang tumigil na ako sa kagustuhan kong bumalik na sa site.

"Don't worry about work, marami naman tayong tao dun sa site." He assured me. Maya-maya pa ay lumabas siya para sumagot ng tawag. Naiwan kaming dalawa ni Aeros sa loob.

"Ang dali naman sa'yo na makinig sa iba." Aniya sa mahinang boses habang walang emosyon ang kaniyang mata na nakatingin sa'kin. "I almost begged you to take a rest and you won't even listen to me. Baka sa'ting dalawa, ikaw talaga yung galit?"

Natigilan ako. His words felt like a hard slap, because yes, he's right.

I am furious. Galit ako dahil muntik ko nang sisihin ang sarili ko sa pag-alis na walang paalam.

Navigating Hearts ( Aviation College Series #1)Where stories live. Discover now