"Girl, paki-ayos nga ng buhok ko sa bun."
"May hairpin pa kayo d'yan?"
Everyone's busy preparing for our laboratory, scheduled this morning.
"Arra, gusto mo mag-short sleeve?" napatigil ako sa pag-ayos ng electronics tool kit ko nang lapitan ako ni Kiya. She offered me her upper PPE uniform.
"I'm fine with mine, Kiya." Tanggi ko.
She pouted. "Ayoko kong mangitim 'e."
Bigla namang lumapit si Mila sa'min, dala-dala ang mga gamit niya, she seemed ready.
"Ang O.A Kiya ha, hindi naman tayo sa field, naka-covered court 'yung lab." Ngumuso na nga lang din si Kiya kay Mila.
"Sa'kin ka na lang makipagpalit." Dugtong ni Mila na ikinutuwa naman 'nung isa.
Okay, so I guess it's settled?
"Do you have an extra side cutter, Arra? I forgot mine." napatingin ako kay Albert nang bigla siyang lumitaw sa harapan ko.
Tumango ako bago kinuha ang luma kong side cutter at inabot 'yon sa kaniya, he then uttered 'thanks' before getting back to his seat.
My things are already settled, nilagay ko na lahat sa backpack ko. Nakaayos narin ang buhok ko para walang sabagal sa lab mamaya.
We started our project with Sir Ocampo few weeks ago, the 2nd year BSAeE students already did some parts of the airframe, kaming mga Avionics students ang bahala sa wiring ng Aircraft.
Hindi pa tapos 'yon dahil maraming details tsaka dapat pulido ang pagkakagawa and besides napag-desisyonan ni Sir Ocampo na magkaroon kami ng entry sa upcoming Small Aircraft Show ng Sport Fest namin.
We did a lot of changes especially on the measurements. We followed the given guidelines and mechanics of the show, kaya hindi lang 'yon basta project lang, we're also up to challenge with other teams. I heard there are more than 15 teams participating in the show.
The AVT Skyhawk will be joining too, but I have no idea which team they are in, nag-separate kasi sila sa'min, gusto nila magkaroon ng sariling aircraft para sa show. So, Sir Ocampo let them be, they kinda competitive you know.
"Guys, punta na raw tayo sa lab sabi ni Sir Ocampo." Alfred announced. Kaagad ko namang isinukbit ang aking backpack at lumabas na ng classroom.
Humabol si Mila sakin sa hallway, she's being too loud again.
"Ang bilis mo naman maglakad bhe." Reklamo niya.
Maya-maya pa'y nakahabol narin sina Jamie, Kiya, Alfred and Ed sa'min.
"Ilang oras ba tayo doon?" I heard Jamie asked.
"Hanggang 12 siguro. Tapos na kasi 'yung ibang teams." Si Alfred na ang sumagot sa kaniya, tutal siya naman ang laging updated, being a class president suited him well.
"Nakita ko 'yung gawa ng Skyhawk kanina, isang fighter jet." Sabi ni Edison.
"Ay weh? Ang bilis naman yata nila." React naman ni Mila kahit na medyo nasa unahan kami.
"Well, according to my sources, ka-team daw nila ang dalawang section ng 3rd BSAMT, no wonder."
"Yeah, 'yan din ang sinabi sa'kin ni Leo." Kiya agreed with Jamie.
"So, are you guys dating now?" rinig kong tanong pabalik sa kaniya ni Jamie.
"Dating who?" Kiya defensively denied.
Napalingon naman ako sa biglang pagtawa ng malakas ni Mila sa tabi ko.
"Nag-deny pa ang gaga, nahuli kong nagsesend kayo ng picture ng isa't-isa sa IG, akala mo ha."
YOU ARE READING
Navigating Hearts ( Aviation College Series #1)
RomanceGrowing up, Liharra Maru Velasco an epitome of determination always believes that there's no such thing as 'no choice' because we all have the power to make our choices. That's why she's always eager to take all the risk along her way. Shaped hersel...