Sabi ni Mila ay natamaan daw ako ng bola sa noo at dahil narin siguro sa sakit ng puson kaya ako nahimatay kahapon. You know, time of the month.
I've been ignoring Aeros's messages since then. 'Di muna ako nag-load ng pang-text para 'di talaga ako makapag-reply. He even called me many times yesterday night, but I turned off my phone. I also set my active status off on Messenger.
I heard katatapos lang daw ng final deliberation sa mini aircraft show at mamayang hapon i-a-announce ang winner. Sana nga lang kami ang manalo, ang sabi ten thousand daw ang cash price sa mananalo, maibabalik ang lahat na ginastos namin pagnakuha namin 'yun.
We are having our lunch at Aling Nita's Eatery, babalik din naman kami kaagad dahil may game pa sina Ed mamayang 1 pm, kalaban nila ang Engineering Department. Bukas naman ang second game namin sa volleyball. It's a long whole week sport fest for us.
"Hinahanap ka 'ata ni Aeros kanina, 'di ba kayo magkausap?" tanong ni Mila habang kumakain.
"No, wala akong load." I reasoned out.
"Chat ko na lang siya mamaya kung ganun."
"No need Mila, we're both busy anyway." Sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.
She stopped chewing her food for a while and gave me a questioning look.
"Ops, something's fishy."
"Love quarrel ang couples niyo." Pagsulpot ni Kiya sa usapan.
"Walang quarrel and we're not a couple in the first place."
Nagkatinginan pa silang dalawa bago nagkibit balikat.
My phone suddenly beeped.
From: Aeros
Have you eaten lunch?Hinayaan ko lamang iyon at nagpatuloy na sa pagkain.
"By the way guys, Leo has been courting me." Kiya suddenly announced. Hindi na kami nagulat dahil halata namang may namamagitan sa kanila.
"At balak ko siyang sagutin after ng sport fest." Tili pa niya, siniko lamang siya ni Mila and Jamie just rolled her eyes.
"Matagal na namin kayong nahahalata, girl." Si Jamie.
"Any progress 'dun kay Vasquez, Jamie?" Mila asked Jamie who's currently busy on her phone.
"Pass, mukhang playboy 'e." sagot ni Jamie na hindi man lang inaalis ang tingin sa screen ng phone niya.
"Based on my connections, third year na siya at BS in Aviation Major in Flying ang course."
"Oh, diba 'yun naman ang gusto mo? Mga piloto." Si Kiya.
"Yeah! But I'm not yet ready to lose my virginity no, at yung tipo pa naman niyang babae ay may experience na sa kama."
"Putcha!" tawa ni Mila.
From: Aeros
Are you busy Maru? Hindi ka nagrereply sa mga messages ko, are you feeling okay?I heaved a sigh. Do I need to block his number para tigilan ako?
From: Aeros
Masakit pa ba ang noo mo? Text me back please, I'm worried sick.I felt a dagger penetrate through my heart, nakaka-guilty pero at the same time, this is the only right thing I knew right now. Baka pag-iniwasan ko siya, babalik na ako sa dati na walang pakialam. Same goes with him
"Bhe, nagchat si Aeros kung kasama raw ba kita." Biglang sabi ni Mila. I immediately shook my head.
"'Wag mong sabihin." Anas ko.
YOU ARE READING
Navigating Hearts ( Aviation College Series #1)
RomanceGrowing up, Liharra Maru Velasco an epitome of determination always believes that there's no such thing as 'no choice' because we all have the power to make our choices. That's why she's always eager to take all the risk along her way. Shaped hersel...